• Home
  • Fresh Scoops
  • Composer-director Joven Tan says he’s not disappointed about failing to make the finals of Himig Handog this year.

Joven Tan admits he was nervous about directing Nora Aunor in ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’

Composer-director Joven Tan says he’s not disappointed about failing to make the finals of Himig Handog this year.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/21/2016 09:40 AM
Joven Tan admits he was nervous about directing Nora Aunor in ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’
052116-joven_main.jpgKahit naging grand winner ang komposisyon niyang “Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa” interpreted by Aiza Seguerra sa 2014 Himig Handog P-Pop Love Songs at naging finalist din noong 2015 ang controversial song niyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na isa nang pelikula ngayon, aminado ang composer-director na bokya ang ipinadalawa niyang entry ngayong 2016 sa Himig Handog.

“Hindi ako nakapasok which is normal for me. I mean, masaya yung hindi araw-araw Pasko. Sumali pa rin ako,” pag-amin niya.

Hindi ba siya na-disappoint?

“Hindi. Kasi may kapalit lahat yon, eh. Naniniwala ako na nangyayari lahat dahil may dahilan. Pag hindi nangyari, maghintay ka dahil may kapalit na iba,” rason pa niya.

“Ang Pare Mahal Mo Raw Ako” ay pang 80-plus na kantang na-compose ni Direk Joven.

“Yung iba kasi, bread trip yung mga dati. So, ngayon nu’ng medyo napansin, iniingatan na. May mga album na bago na hindi na-release at narinig, pero nandiyan sila.

“Meron akong mga (komposisyon) Ogie Alcasid, Ai-Ai, yung mga ganu’n.”

Sa pelikula naman, more or less, pang-50 films na niya ang Pare, Mahal Mo Raw Ako.

May special role sa Pare si Nora Aunor at aminado si Joven na kinabahan siya habang idinidirek ang Superstar.

“Nakakatakot,” pagtatapat niya. “Ganun din yung experience ko noon habang dinidirek si Eddie Garcia (sa FLT Films). Parang may kaba kasi paano mo iga-guide yung isang tao na parang niya na lahat yung sasabihin mo.

“Parang nakapanliliit, pero hindi naman sila ganu’n. Open naman sila na sabihin lang daw kung ano yung gusto ko then ita-try daw nilang gawin,” kuwento niya.

Paano ba niya idi-describe ang first-time actor na si Michael Pangilinan bilang bida sa pelikula at si Edgar Allan Guzman?

“Si Michael mabait, masunurin. Ayoko siyang i-rate kasi ayokong i-rate din ako. Basta ako, feeling ko ginawa ko yung dapat kong gawin at sa tingin ko naman, ginawa rin naman nila yung hiningi sa kanila.

“Si Edgar naman, matagal ko nang kaibigan yan, eh. Mas lumalim siya ngayon bilang aktor. Happy naman ako sa trabaho niya ewan ko lang kung happy siya sa ginawa ko. Hahaha!” pagbibiro niya.

Samantala, may isang special project na ginagawa ngayon si Joven sa Star Music na hindi pa raw niya pwuedeng sabihin ang detalye.

“Malaki siya. Yung feeling mo, hindi mo pa dapat makuha pero binigay na sa yo,” pagde-describe pa niya sa naturang proyekto.