EXCLUSIVE: Ana Capri admits she finds Ezra band vocalist Kaye Cal very attractive

Ana Capri reveals her views on same sex relationships.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/21/2016 09:43 AM
EXCLUSIVE: Ana Capri admits she finds Ezra band vocalist Kaye Cal very attractive
052116-anakaye_main.jpgHanggang ngayon ay tuloy pa rin ang paghahanap ng hustisya ni Ana Capri sa ginawang pambabastos sa kanya ng isang Chinese national sa The Palace Pool Club sa The Fort.

Ayon sa aktres, unti-unti nang umuusad ang kaso at nakapag-file na rin sila ng reklamo.

“Nu’ng Tuesday (May 17), nag-file na kami ng sworn affidavit tapos nag-file kami ng case sa Taguig’s Fiscals Office,” simula niyang pahayag sa Push.com.ph.

Dahil hindi kilala ang pangalan ng inaakussahan, “John Doe” ang name na ginamit para i-represent ang akusado.

“Wala kasing mailagay na pangalan kasi nga anynymous, di ba? Yon ata ang allowed sa (court). Para kay John Doe, acts of lasciviousness at physical inury.

“Tapos do’n naman sa isa sa mga officers ng Palace Pool Club, yung security manager nila, ay obstruction of apprehension saka obstruction of justice naman ang kaso niya,” pagdedetalye ng aktres.

Umaasa si Ana na ngayong nakapag-file na siya ng kaso ay magpapakita na ang nambastos sa kanya.

“Hopefully, kasi may mga friends naman siya nu’ng pumunta siya don, eh, so sana naman maibigay na nila yung pangalan. Tapos nananawagan din ako do’n sa mga nakakilala sa kanya na ibigay na rin yung pangalan niya. Tapos yung Palace Pool Club, sana tulungan din nila ako na mahanap yung tao,” she said.

Kapag wala pa raw nangyari sa kanyang mga pakiusap ay baka mapilitan siyang hingin na ang tulong ng presumptive president na si Digong Duterte.

“Ang dami ngang nagsasabi dapat daw i-Duterte ko na ito, i-Duterte na yan para mas madali. Kasi ang tagal na rin di ba? Pero sa too lang, gusto ko ring i-try din talaga.

“Kaya sana po talaga may mangyari. Lambing lang naman din yung paghingi ko ng tulong, kung may panahon at hindi naman masyadong malaking bagay. Para at least hindi na matularan ng iba. Kasi hindi talaga maganda, kasi yung nangyari sa akin, na-televise nainterbyu na, lahat-lahat na ng social media tapos wala pa rin.

“Eh, paano kung sa iba nangyari? Hindi sila naiinterbyu, hindi nila napapadyaryo at walang tumutulong sa kanila, kawawa naman, di ba?” katwiran pa niya.

Na-late dumating si Ana sa presscon ng Pare, Mahal Mo Raw Ako dahil sa tindi ng traffic. T-bird na karelasyon ni Nora Aunor na gumaganap namang ina ni Edgar Allan Guzman, ang role ni Ana sa pelikula.

Diretso naming tanong kay Ana, “Nagkadyowa ka na ba ng tomboy noon?”

“Hahaha!” tumitiling sagot ni Ana.

“I appreciate  the beauty that God has created. And love has no gender. (Laughs). Love has no age,” makahulugan niyang pahayag.

Inamin ni Ana na meron siyang nakikitang t-bird na naguguwapuhan siya ngayon.

“Natutuwa kami nu’ng kaibigan ko sa kanya, gusto ko siyang ma-meet in person. Ang galing-galing niyang kumanta—si Kaye Cal (lead vocalist ng Ezra Band). Pag pinapanood ko siya nakakalimutan ko na babae siya, ang guwapo niya,” kinikilig niyang sabi.

Eh, ano naman ang pananaw niya sa mga babae na may karelasyong t-bird like Rosanna Roces?

“Choice niya yon. Masaya siya. I think, life is too short not to enjoy it. Kung saan ka masaya, gawin mo,” reaksyon pa niya.

Hindi kaya siya ang t-bird?

“Well... sabi nga nila ‘change is coming’ (laughs),”pagbibiro pa niya.