• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz thanks Star Cinema and Reality Entertainment for giving him a chance to work on quality films.

John Lloyd Cruz reacts on Urian double nomination

John Lloyd Cruz thanks Star Cinema and Reality Entertainment for giving him a chance to work on quality films.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/20/2016 10:20 AM
John Lloyd Cruz reacts on Urian double nomination
051716-jlc.jpgNagkaroon ng social appearance ang magaling na aktor na si John Lloyd Cruz sa PureGold Sari Sari Store owners convention na naganap sa World Trade Center. 

Dito nagpa interview si John Lloyd at ibinahagi ang kanyang reaksyon sa double nomination niya sa 2016 Gawad Urian para sa mga pelikulang "Honor Thy Father" at "A Second Chance". 

"Ako po ang pinaka masaya at overwhelmed at napansin ng Urian ang performance ko sa mga pelikulang yan. Hindi po mangyayari yan kung wala ang suporta at tiwala sa akin ng producers at nakasama ko sa movie under Star Cinema at Reality Entertainment," sabi ng aktor. 

Dito rin natin naitanong kay John Lloyd ang kanyang naging kontrobersyal na opinion tungkol sa pagkakaroon ng union o samahan ng movie at television workers para ma proteksyunan ang kanilang karapatan bilang manggagawa. 

"May proper forum at lugar para pag usapan yan kasi baka magkaroon ng ibang kulay eh baka imbes na makatulong makasama pa sa iyo so sana magkaroon ng proper forum tungkol dito," pagtatapos ni John Lloyd.