• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia says she learned a lot from her two leading men.

Coleen Garcia compares her love scenes with Piolo Pascual and with Derek Ramsay

Coleen Garcia says she learned a lot from her two leading men.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/20/2016 10:22 AM
Coleen Garcia compares her love scenes with Piolo Pascual and with Derek Ramsay
052016-ColeenGarcia_PUSH.jpgNami-miss ni Coleen Garcia ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime, pero wala raw naman siyang balak bumalik sa noontime show. Nag-guest si Coleen nu’ng Wednesday sa Trabahula segment ng show to promote Love Me Tomorrow at okey na raw ito sa kanya.

“Ayun, guesting-guesting lang pero hindi na siguro ako babalik. I’m having so much fun right now. I’m learning so much, parang yung momentum ko ngayon, I want to keep it going. I want to keep learning and keep growing as an actress.

The show has changed so much over the course of the five years that I was there pero ang hindi pa rin talaga nagbago, eh, siyempre yung mga host, yung madlang people, people behind Showtime... sila yung talagang ... they remain consistent para sa akin,” kuwento ni Coleen sa Push.com.ph

Inamin din ng dalaga na hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya sa hosting na dati niyang ginagawa noon sa Showtime.

“Kinakabahan talaga ako sa hosting, eh. I think, alam ng lahat, kahit hindi ko pa nakikilala yung ibang tao, alam na nila na mahiyain ako, nahihiya talaga ako when I’m in front of the camera.

“I guess, nahihiya ako na when I’m in front of the camera as myself pero when I’m in front the camera as my character or as someone else, mas nadadalian siguro ako,” pagtatapat niya.

Nadalian daw siya sa love scene nila ni Piolo Pascual sa Love Me Tomorrow.

“Yes, aktres kasi ako do’n. Hahaha! Actor din siya do’n. Ha-haha! Mas nakaka-enjoy. I like changing things up,” pag-amin niya.

Dagdag pa niya, “Siguro when it comes to myself I have so many reservations. Palagi nga akong nahihiya, hindi ko nailalabas palagi.”

Speaking of love scene, paano ba niya ikukumpara ang love scene niya with Piolo at sa naging leading man niya sa Ex With Benefits na si Derek Ramsay?

“Si Derek ang first leading man ko, so a lot of what I know now I also learned from working with Derek. Yung kailangan talagang team player ka, kailangan nakiki-collaborate ka with everybody.

“With love scene, kung sino yung magaling mag-protect, si Piolo kasi, sabi niya sa akin hindi siya sa sanay sa love scene. Si Derek naman, sanay na sanay sa love scene.

So, siguro one point kay Derek when it comes to love scene kasi mas experienced siya, so I learned from him,” natatawa niyang pagtatapos.