• Home
  • Fresh Scoops
  • The rocker also has advice to those who want to audition for the talent show.

Bamboo shares Sharon Cuneta is a great addition to The Voice Season 3

The rocker also has advice to those who want to audition for the talent show.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/20/2016 03:35 PM
Bamboo shares Sharon Cuneta is a great addition to The Voice Season 3
052016-Bamboo_PUSH.jpgWalang kupas sa pagpe perform ng kanyang hot songs si Bamboo sa naganap na Pure Gold Aling Puring Sari Sari store owners convention na naganap sa World Trade Center. 

Backstage nakausap natin si Bamboo at all set na siya sa third season ng The Voice Kids kung saan isa siya sa mga coaches. 

"Maraming changes pero it’s all looking good. Ako I’m always welcoming changes kasama sa buhay yan sabayan mo lang ganyan lang yan," pahayag ni Bamboo.  

Bagong dagdag this season ang Megastar na si Sharon Cuneta bilang coach kapalit ni Sarah Geronimo. Agad naman daw nag-blend si Sharon sa show pati na sa barahan ng mga coach na bentang benta sa viewers. 

"Sharon has been great. We’ve done one audition episode so far and her day one has been good so far as our new coach. It looks promising naman. Kasama sa show yun, kasama sa laro yun ang fun part ng the voice yung mga hirit at barahan kaya nagi-enjoy ang mga tao" 

Nagbigay mensahe rin si Bamboo sa mga kabataan na sasabak sa audition sa The Voice Kids season 3. 

"Mas mataas ang expectations ko. Ilang seasons na rin, sana ang mga pointers na binigay namin the past seasons, ang mga bata nakikinig, pati ang parents para pagdating nila ng auditions alam na nila kung ano ang hinahanap namin," pagtatapos ni Bamboo.