• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda’s college friends recount how they discovered he was gay.

Vice Ganda reunited with former crush

Vice Ganda’s college friends recount how they discovered he was gay.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/02/2016 09:13 AM
Vice Ganda reunited with former crush
050216-ViceGanda_PUSH.jpgSa part 3 ng birthday celebration ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice, sinurpresa si Vice ng mga College friends niya na sina Paolo Ponciano at Syric Pagsanhan. Nakisaya na rin ang dating niligawan ni Vice na si Atty. Michelle Duenas. Pareho-pareho sila noong mga Political Science students. 

Nagkwento si Syric kung paano nila nalaman na gay si Vice. “Nung first sembreak si Vice ininvite ako na mag-overnight sa isang resort. So sabi ko sa kanya, siyempre probinsiyano ako natatakot ako e, bakit kaming dalawa lang e, sabi ko bakit hindi pati si Paolo para maging Gwapings. Kasi nung time na yun sikat pa ang mga Gwapings. Siya si Jomari Yllana. So nagpunta kami sa isang resort sa Malolos. Then ginabi kami doon, then hindi naman kami pwede mag-overnight nagtransfer kami sa isang motel. Tatlo kami. Tapos eto nung matutulog na kami, si Vice naglabas ng pouch bag. So yung pouch bag na yun, nandun yung mga gamit niya, nilabas niya yung Chin Chun Su. So nagpahid siya ng Chin Chun Su sa mukha niya. So nagtataka kami bakit nagpapahid siya, so sabi naman niya, magpahid na rin kayo kasi mga Gwapings nga tayo so dapat magpahid na rin kayo. Nagpahid kami lahat. So dun namin napagtanto na siya pala’y isang X-Men.” 

Paliwag ni Mariel Rodriguez tungkol sa Chin Chun Su, “pinapahid yun sa mukha sa gabi, pampaganda.” 

Nagkwento naman si Paolo kung paano siya naging tulay ni Vice sa panliligaw noon.  “Nung first year, second semester, meron siyang crush nun kaya lang para siyang undecided. Tapos inutusan niya akong bigyan ng bulaklak yung girl na yun.” 

Isa na ngayong ganap na abogado ang dating niligawan ni Vice na si Michelle. Ani Vice lahat sila nun nagarap maging abogado. Kwento ni Atty. Michelle, binigyan din siya ng love letter ni Vice. “In fairness, magaling magsulat ng love letter si Vice.”