• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla reveals Daniel Padilla will not be exempt from the Padilla tradition of not wearing underwear.

Robin Padilla on Daniel Padilla: ‘Maraming sikreto ‘to’

Robin Padilla reveals Daniel Padilla will not be exempt from the Padilla tradition of not wearing underwear.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/03/2016 12:34 AM
Robin Padilla on Daniel Padilla: ‘Maraming sikreto ‘to’
050216-RobinDanielPadilla_P.jpgSa Gandang Gabi Vice, maraming rebelasyon ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez Padilla, kasama na rin ang Teen King Daniel Padilla. 

Kinwento ni Mariel na kahit mag-a-anim na taon na silang kasal ni Robin sa August ay mainit pa rin ang samahan nila. Ani Mariel tungkol kay Robin, “He keeps the fire alive, burning.” 

Binuking din niya na hindi mahilig magsuot ng underwear si Robin maging sa private quarters nila. “Si Robin naglalakad yan walang ano…. Naka-t-shirt lang, forever yan.  Kaya yung mga yaya hindi sila pumapasok kasi baka may surprise.” 

Binuking rin ni Mariel si Robin na wala palang suot na underwear habang guest sila sa GGV

Sinabi naman ni Robin na yung hindi pagsuot ng underwear ay minana pa nila sa Tatay nila at tinuturo rin nila sa mga anak nila. Pero sa tamang edad naman daw ito. Maging si Daniel diumano ay hindi makakatakas sa tradisyon na ito ng mga Padilla. Ani Robin, “’Pag nag-trenta (anyos), automatic sasabihin ni Rommel (Padilla) sa kanya ‘wag ka na mag-briefs.” Agree naman dito si Daniel na sasabihan siya ng kanyang ama kapag thirty years old na siya ng, “Sunugin mo na lahat ng briefs mo.” 

Isa pang tinuro ng tatay nila Robin sa kanilang magkakapatid ay, “’Pag hinubaran mo yung babae, dadamitan mo rin siya.”  

Close diumano si Robin at Daniel pero ang samahan nila ayon kay Robin ay, “Magbarkada kami nito e..” 

Dagdag pa ni Robin, “Konsintidor ako e…” Nang tanungin naman si Daniel kung saan siya kinukunsinti ni Robin, sabi ni Daniel ay, “sa kabutihan.”

Pero pagbubuking ni Robin sa Teen King, “Siyempre bagong generation, mas maraming dala ‘to. Maraming sikreto ‘to.” 

Kwento rin ni Robin na una siyang naging close sa Nanay ni Robin na si Karla Estrada. Balak niya sana itong ligawan noon pero “mabagal” siya. Dahil dun, ani Robin, “Inagaw sa akin ni kuya Rommel.” 

Dagdag pa ni Robin, mas Padilla pa yun si Karla. Nanapak yun!”