• Home
  • Fresh Scoops
  • Vicki Belo says Scarlet Snow is “100 percent my daughter”

Vicki Belo says Scarlet Snow is “100 percent my daughter”

Vicki Belo clarifies she and Hayden Kho know who Snow’s surrogate mother is.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

5/19/2016 5:03 PM
Vicki Belo says Scarlet Snow is “100 percent my daughter”


051916-VickiBelo_PUSH.jpgSa ulat ni MJ Felipe  para sa Bandila, pinakabagong celebrity baby diumano ang 14 month old baby nina Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow.

Si Scarlet ay isang surrogate baby at ang procedure ay tinatawag na IVF o In Vitro Fertilization. Paglilinaw ni Vicki, hindi man siya ang nagdala ng bata sa sinapupunan pero aniya, “Scarlet Snow is 100% our daughter.” Egg cell kasi ni Vicki at sperm naman ni Hayden ang ginamit sa pagbuo ni Scarlet.

Ang naging surrogate mother naman ay isang American Mexican na nakabase sa US. Hindi rin daw totoo na hindi kilala ni Vicki at Hayden ang surrogate mother ni Scarlet. Ayon sa isang pahayag ni Vicki, “It’s not true that we don't know her. We visited the family to make sure that they were a happy family and ate well. We even stayed with them at the 5th month and for one month awaiting Scarlet’s birth.”

March 3, 2015 ang birth date ni Scarlet at malalapit na mga kaibigan ni Hayden at Vicki ang naging ninong at ninang ni Scarlet sa kanyang binyag tulad nina Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Kim Atienza, Dyan Castillejo at Ogie Alcasid.

Maluwag naman daw tinanggap ng mga pamilya ni Hayden at Vicki ang pagdating ni Scarlet. Life changing din diumano ito para sa relasyon ni Hayden at Vicki na umaabot na ng 11 years.