• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual would rather meet someone the traditional way.

Piolo Pascual on one-night stands: ‘If it’s the norm, you don’t have to follow the norm’

Piolo Pascual would rather meet someone the traditional way.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/19/2016 03:56 PM
Piolo Pascual on one-night stands: ‘If it’s the norm, you don’t have to follow the norm’
051916-PioloPascual_PUSH.jpgHindi na raw kinailangan pa ni Piolo Pascual na magpaalam kay Billy Crawford para sa naging love scene nila ni Coleen Garcia sa pelikulang Love Me Tomorrow ng Star Cinema na pinagbibidahan din ni Dawn Zulueta at ipalalabas na sa May 25.

“No naman. Billy and I are good friends. He’s not really jealous, I mean, he would stay on the set, but Billy and I had a good relationship and I never felt any conflict between myself and Billy.

“You can call a person seloso but he’s not… stupid naman not to  trust his girlfriend or his friend sa isang pelikula. Matalino naman si Billy. Matalino naman si Coleen,” paliwanag ni Papa P.

Nagsimula lang sa one night stand ang relasyon nila ni Coleen sa pelikula kaya tinanong namin si Piolo kung napagdaanan din ba niya ang ganu’ng sitwasyon.

Ayon sa aktor, “Ayokong magpaka-santo, pero ayoko na lang sagutin. (Laughs).”

Pero sa tingin ba niya normal na lang ngayon ang pakikipag-one night stand?

“I don’t want to say it’s normal but you know if you love yourself... I mean, it’s not even about religion, it’s about preserving yourself for someone who deserves it.

“So parang hindi naman kailangan, eh. If it’s the norm, you don’t have to follow the norm. Nasa sa yo naman yon, eh, kung hanggang saan mo irerespeto ang sarili mo o kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. So, kanya-kanya yan,” katwiran ng aktor.

Eh, paano naman niya binibigyan ng advice ang anak na si Inigo Pascual sa ganitong mga bagay?

“Lalaki yung anak ko, so sa akin, as much as possible I always tell him to go out, meet people. You have to know, eh.”

Pinagdadala ba niya ng condom ang anak?

“Hindi naman ako nagdadala ng condom, eh, ba’t kailangang... I don’t think he’ll go that far. Wag tayong pumunta do’n. (Laughs).”

Pero aminado si Piolo na talagang mapupusok ang mga kabataan ngayon.

“Tusukin ko siya (Inigo) pag nagloko siya,” pagbibiro niya. “There are things na bahala na sila. I mean, my son is almost 19, I don’t want to spoon-feed him. I don’t want to tell him what to do and not to do.

“I want him to be independent at saka lalaki naman yan, eh. Mare-realize niya rin yung tama at mali on his own. You’re only there go guide them,” sabi pa niya.

Sa personal na pananaw ni Piolo, ayaw niya na sa one night stand magsisimula ang pakikipagrelasyon niya sa babae.

“Kristyano po kasi ako, eh. Siguro if I were to be with someone, siguro I’d want it the old traditional way.

“I would prefer a random one night, but you’ll never know, so for me, personally, ayoko po sana ng ganu’n,” pahayag pa niya.