• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy transgender Angel Bonillo to compete against 57 delegates in International Pop Music Festival in Europe.

Pinoy transgender Angel Bonilla to compete in International Pop Music Festival in Europe

Pinoy transgender Angel Bonillo to compete against 57 delegates in International Pop Music Festival in Europe.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/19/2016 11:20 AM
Pinoy transgender Angel Bonilla to compete in International Pop Music Festival in Europe
051916-AngelBonilla_PUSH.jpgUmaariba ang mga transgender. Kung first time na may nagwaging transgender sa Kongreso ngayong nakaraang eleksyon, meron ding transgender na dala-dala ang Pilipinas para sa International Pop Music Festival sa Europe sa katauhan ni Angel Bonilla.

“On my way to VARNA (Bulgaria) for the competition. This is dedicated to the transgender community and to the hardworking Filipinos who dedicated their time, perseverance, blood and luck! Like me.. I came here without the help of the corrupt government, this is all my hardwork and the help of the people who believed in me. Mabuhay po ang Pilipinas,” deklara ni Angel sa kanyang Facebook account.

Humihingi ngayon ang Fil-Am transgender na suportahan siya sa International Pop Music Festival sa Europe (Varna, Bulgaria). Iboto siya sa www.discoveryfest.com para manalo sa Best Song at Best Singer category.

“Friends pls spread the link. Pls help me by voting on my song. Click it’s you, Angel Bonilla, Philippines and click vote under,” pakiusap pa niya.

Representative ng Pinas si Angel para sa Best Singer at Best Song. Tubong Cabuyao, Laguna siya. Kalaban niya ang kinatawan ng Italy, Azerbaijan, Ukraine, Turkey, Russia, Romania, Moldova, Malta, Spain, Indonesia, Bulgaria, atbp.

First time na nakasali ang Pilipinas sa naturang Discovery International Pop Music Festival kasama ang Indonesia. Ang mga singers and songwriters na kalahok ay galing sa 57 countries at six continents. Nagsimula na ang festival nu’ng May 16 at matatapos sa May 22 sa Varna.

Ipinagmamalaki ng kanyang mentor at isang Philippine socialite sa Amerika na si Eduard Banez (dating Star Magic talent at newscaster ng Net 25) na sosyal ang gown na isusuot ni Angel sa kumpetisyon. Dinesenyo daw ito ni Edison F. Cortez at ang gown ay 24 karat gold plated.

Nanawagan din ng suporta si Eduard sa kapwa Pinoy na iboto si Angel.

Samantala, hindi lang mga Philippine socialite ang sumusuporta kay Angel kundi maging ang ilang sikat na Hollywood personalities.

Ayon sa singer na si Savanna Outen, “Thank you so much Philippines for the warm welcome. I had fun in Smart Araneta with the Boyce Avenue. I wish Angel Bonilla will win in the competition. I love the Philippines.”

May mensahe rin ang Latino/American star na si Jai Rodriguez na may movie sa HBO na Grace and Frankie at lead cast ng Malibu Country sa ABC channel. Sey niya, “I wish Angel wins for her country Philippines and good luck for everything and to his family.”

May good luck message din si Marc Nicolas, talk show host ng CBS at multi-Emmy Award winner.

Si Angel ay naging finalist ng X-Factor USA noong 2011. Napasali rin siya sa sitcom na Everybody Loves Raymond sa Fox channel at gagawa na rin ng sitcom sa NBC.

“Competing in the international song competition is a dream come true. I feel blessed and proud to represent my beloved country, the Philippines. I would like to dedicate this to the Filipinos and also to the LGBT community,” sambit pa ni Angel.