• Home
  • Fresh Scoops
  • Manny Pacquiao wants to become part of the Sports and Agriculture Committee in the Senate

Manny Pacquiao says he will be more present in the Senate than he was at Congress

Manny Pacquiao wants to become part of the Sports and Agriculture Committee in the Senate

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/18/2016 10:49 AM
Manny Pacquiao says he will be more present in the Senate than he was at Congress
051816-MannyPacquaio_PUSH.jpgSa ulat ni Ginger Conejero para sa TV Patrol, kahit na halos 16 million votes ang nakuha at pampito si Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang unang Senatorial bid, aminado si Manny na marami pa ring duda sa kanyang kakayahan bilang mambabatas. Aniya, “I know a lot of people are doubting my capability to serve the people. But gusto kong i-prove sa kanila na sincere ka to help them.” 

Una sa agenda niya ang mga Senate committee na gusto niyang salihan. “Unang-una of course yung Sports, gusto ko i-handle ng mabuti yan. Pangalawa, yung Agriculture kasi taga-Mindanao kami.”

Gusto rin niyang mabura ang record bilang isa sa mga pinakamaraming absences sa Kongreso. Paliwanag niya, “marami ng absent dahil sa pressure ko rin, pressure masyado na saang partido ka. Ginawa ko nag-focus na lang ako sa Saranggani, yung  pabahay ko, yung pagtulong sa tao. Kesa doon, tayo-tayo ka doon tapos ganyan puro mga politika na ang pag-uusapan.” Ayon kay Pacman, hindi na raw ito mauulit sa Senado. Kaya naman sideline diumano muna ang pag-coach at paglaro sa PBA (Philippine Basketball Association).

Ganunpaman, pinag-iisipan ni Pacman ang pagbalik sa boxing ring para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro sa Brazil. Ayon sa report, usap-usapan na papayagan ang mga professional boxers na lumaban sa Olympics.  “Ito karangalan ng bansa natin to. Hindi ‘to pangsarili o ano man. Ano, kahit walang pera ito basta pangalan ng Pilipinas.” 

Hindi rin nag-aalala si Pacman sa oras na maagaw ng training mula sa mga tungkulin niya sa Senado. “Hindi ganun katagal para sa preparation…. Saka madali man lang yan kasi three rounds man lang yung Olympics.” 

Hindi rin nagsalita si Pacman kung may plano siyang magbalik mula sa boxing retirement.