• Home
  • Fresh Scoops
  • Jed Madela admits that a lot of people don’t know the effort it takes to hit the high notes.

Jed Madela reveals dilemma of being known as a ‘biritero’ singer

Jed Madela admits that a lot of people don’t know the effort it takes to hit the high notes.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/18/2016 09:13 AM
Jed Madela reveals dilemma of being known as a ‘biritero’ singer
051816-JedMadela_PUSH.jpgSa pocket press conference para sa bago niyang concert series na Iconic, nagpa-interview ang magaling na singer na si Jed Madela. Dito nai-kuwento nya ang kakaibang konsepto ng bago niyang concert series na magsisimula ng mapanood sa Music Museum ngayong May 28.

"Yung latest album ko na Iconic doon kami nag base ng concept and naisip namin na magbigay tribute sa iconic singers sa bawat gabi ng concert na gagawin. Una nilang mapapanood ang tribute kay Mariah Carey sa May28." Impressive ang song line up para sa Mariah-themed concert ni Jed na aminado siyang mahirap dahil halos "walang hinga" ang mga style ni Mariah sa kanyang mga kanta.

Dito rin nai-share ni Jed ang hirap na kanyang pinagdadaanan bilang nakilala na siyang isang biritero kapag nagpe-perform. "Yun na kaagad ang hinahanap nila sa iyo kapag nagpe perform ka yung kailangan ma hit mo ang high notes tapos akala nila wala kang original songs. Kaya sa mga ganitong concerts ko ipinapakita ko rin naman na kaya ko kumanta ng ibang songs at may mga originals din ako."

Sa kanyang personal na buhay aminado si Jed na single siya ngayon at maglilimang taon ng ganito ang kanyang status. Okay lang daw ito dahil trabaho talaga ang focus nya ngayon. After Mariah Carey, naka linya na para sa Iconic concert ni Jed ang kanyang tribute para kay Celine Dion, Whitney Houston at Madonna.