Carmi Martin reveals why she chooses to be single

Carmi Martin says she is happy with her life now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/18/2016 9:22 AM
Carmi Martin reveals why she chooses to be single


051816-CarmiMartin_PUSH.jpgKaibigan ni Dawn Zulueta ang role ni Carmi Martin sa pelikulang Love Me Tomorrow ng Star Cinema.

“Ako yung nag-engganyo sa kanya to have fun with a younger man. Kaya yon, nagkagulo-gulo yung buhay niya (laughs),” kuwento ng aktres.

Inamin din ni Carmi na tulad ng character ni Dawn sa movie, na-involve din siya sa mga younger men noon.

“Pero laro-laro lang. Parang fling-fling lang. Itong sinasabi ko, ako to ha, hindi ko sinasabi na pag pumatol ka sa mas bata, eh, masama ka ng babae... ako lang ito ha.”

May naging fling din daw siya na 10 years younger than her.

“Pero hindi rin nagtagal yon, months lang, ganu’n. Iba rin kasi pag bagets, eh. Iba ang trip nila, iba yung happenings nila. Kaya mas gusto ko yung same age ko or mas matanda sa akin ng konti.”

Inamin din ni Carmi na four years na siyang walang karelasyon. Pero hindi raw niya nakikita ang sarili na magpapakasal.

“Meron namang nanliligaw at saka maganda naman ang plano. Pero parang wala namang ano sa akin. I’m so happy with my relationship with God, so why...?

Gusto ba niyang maging single na lang for life at hindi na mag-asawa?

“Well, yon yung plan ko,” diretso niyang sagot.

“Pero I don’t know, di ba? Before kasi, ang mentality ko was man will make me happy, being married will make me happy.

“Pero sa nakikita ko sa karamihan, sa mga naririnig kong istorya at sa mga na-witness ko in my own relationship, it seems that very few percentage in the population of the whole earth ang nagwo-work,” rason niya.

Hindi ba niya kinonsider noon na magkaroon na lang ng anak kahit walang asawa?

“Ayoko... parang... kasi sobra ko namang mahal yung family ko. Hindi ko rin naman sinasabi na masasamang babae ang single parent kaya lang, parang ayoko talaga.

“Siguro, takot na takot ako sa tsismis. Di ba, kung tutuusin ako yung artistang na wala kang masyadong maririnig na balita... takot na takot ako sa istorya. Di ba noon, nagsexy-sexy ako, tapos uuwi sa akin ang kapatid ko, sasabihin niya, ‘Naku sabi sa akin sa school na ganito, ganyan.’ Kaya tinigilan ko na yung ganu’n.

“Siguro, sa sobrang pagmamahal ko sa pamilya ko, ayaw ko silang bigyan ng kahihiyan, mga ganu’n. Di ba, lalo na nu’ng 80s pag nanganak ka, naku malaking kahihiyan yon, eskandalo,” paliwanag niya.

Kahit single at hindi nakabuo ng sariling pamilya, wala naman daw siyang regrets.

“Wala naman kasi masaya naman ako sa buhay ko,” sabi pa ni Carmi.