Boy Abunda praises James Reid for doing show despite knee injury

James Reid does show in San Diego despite knee injury.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/17/2016 11:57 AM
Boy Abunda praises James Reid for doing show despite knee injury
051716-JamesReid_PUSH.jpgSa segment na The Main Issue sa Tonight with Boy Abunda, ibinalita na tinuloy pa rin ni James Reid ang show nila ng kanyang ka-love team na si Nadine Lustre sa San Diego, California, kahit na injured pa rin ang kanyang kanang tuhod.

Napabalita ang hindi sinasadyang pagtulak sa kanya ng isang fan matapos gawin ng JaDine ang High on Love tour nila sa Las Vegas. Pinagsusuot siya ng doctor ng leg brace hanggang Martes. Ngunit kahapon, Lunes, May 16, tinanggal ni James ang knee brace para ituloy pa rin ang naturang show sa San Diego. Maayos naman na nakapag-perform si James with “minimal movement, ” dahil na rin diumano naiipahinga na niya ng bahagya ang kanyang tuhod.

Diumano, binalik din ni James ang knee brace matapos ang performance para sundin ang doctor’s order.

Nagbigay naman ng papuri ang host na si Boy Abunda kay James. “James I admire you. Pag dating sa San Diego tinanggal yung knee brace, did the show. Parang walang nangyari. Dahil utang natin sa ating mga audiences, sa ating mga kaibigan na sumusuporta sa ating mga palabas, so bakit natin sila idadamay? Bravo, mabuhay ka James Reid.”