• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor says he was not drunk nor high during his encounter with student Khalil Versoza.

Baron Geisler explains story behind controversial video

The actor says he was not drunk nor high during his encounter with student Khalil Versoza.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/17/2016 02:11 AM
Baron Geisler explains story behind controversial video
051616-baron_main.jpgKaagad kaming tinawagan ni Baron Geisler nang i-text namin siya para hingin ang paliwanag niya tungkol sa video na lumabas sa Facebook  habang sinasaktan niya ang estudyante ng UP na si Khalil Verzosa.

Sabi ni Baron, may dahilan kung bakit ganu’n ang naging reaksyon niya kay Verzosa. Nakiusap din siya na sana ay huwag agad siyang i-judge at paratangang nakadroga o lasing dahil sa nangyari.

“Pagod na pagod ako that time Mama Leo. Don sa ginagawa kong movie, 9 a.m. ang call time ko tapos napack-up ako ng 3 a.m. From Laguna, dumiretso ako sa kanila kahit halos 2 hours lang ang tulog ko kasi gusto ko silang tulungan sa thesis nila. Okay lang kahit Laguna pa ako galing, kahit malayo, sige lang, wala namang problema sa akin yon, eh,” paliwanag ni Baron.

Dagdag pa niya, “Mama Leo, limang araw ko ng hiningi ang script dahil kung passionate talaga sila sa ginagawa nila dapat 2 days before ibinigay na nila sakin. Hindi yung pag dating ko sa set bibigyan nila ako ng idiot board. Doon ako pumitik, do’n ako sumabog.”

Nagtataka rin ang aktor kung bakit kinunan ng video ang insidente at kaagad na ipinost sa Facebook. Pakiramdam daw niya ay na-provoke siya para mag-react ng ganu’n.

“Sinadya ba nila yon? Ginamit ba nila ako para sa kanilang social experiment?” nagtataka niyang tanong.

Iginiit din ng binata na hindi siya lasing nu’ng mga panahong yon kaya nasaktan siya na hinusgahan kaagad siya ng mga tao.

“Hindi naman ako lasing, hindi naman ako nakainom, hindi naman ako nakadroga. Do’n ako nagagalit. Lalo na do’n sa mga post na puro droga, droga, droga isyu. Kaya nga sabi ko, ‘O, di magpa-test tayo ng dugo’ para makita nila kung talang nagdodroga ako. Eh, mali naman talaga sila, eh,” giit pa niya.
Nag-post na rin ng kanyang sentimyento si Baron sa Facebook at Instagram account niya para magpaliwanag sa isyu.

“Ang sama ng mga pangyayari at ang sama ng mga tao minsan. Bigla nalang silang mag ju-judge, ang gusto ko lang naman ay ang magtrabaho. Ako na nga itong tumutulong sa kanila, pagod na pagod at hindi nila naiintindihan na call time ako ng 9 am at pack-up ako ng 3 am.

“Limang araw ko ng hiningi ang script dahil kung passionate talaga sila sa ginagawa nila dapat 2 days before ibinigay na nila sakin. Hindi yung pag dating ko sa set bibigyan nila ako ng idiot board. Doon ako pumitik.

“Naniniwala ako sa vision mo Khalil dahil gusto mo din maiba ang proyekto mo sa main stream. Pare, wag mo ng gamitin ang "beastmode."

“Sige kung nag-beastmode man ako sa tingin mo kasalanan ko ba talaga? Hindi ko alam kung ano ang intensyon mo para ilabas ang video na to? Para ano? Siraan ako, sirain ang image ko?

“Brad, di ako takot dahil matagal na siyang sira. Sige kasuhan mo ko brad, magkita nalang tayo sa korte.

“Unang una wala naman tayong kontrata, ano ba talaga tingin mo sakin tanga? Wag mong sabihing dahil student film, eh, iintindihin ko dapat kayo?

“ Para naman sa co- actors ko, pasensya na po kayo kung napahiya ko kayo at nag-alala para sakin. Para naman po sa mga naniniwala sakin maraming salamat po.

“Hanggang ngayon masama parin ang aking pakiramdam lalo na alam nilang lahat na imbes na gawin ko yung proyektong ito na for free iniwan ko ang nanay ko na may sakit. Sino ba ang hindi magagalit doon?

“Sana malinaw na po ang lahat.  Ang hirap nito sa sobrang sama ng pakiramdam ko kailangan ko pang linawin ang lahat, para sa aking ina na unti-unting nalalanta. #?peacemode