• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion hopes her current boyfriend is ‘The One.’

EXCLUSIVE: Yam Concepcion says no awkwardness working with ex Ejay Falcon

Yam Concepcion hopes her current boyfriend is ‘The One.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/15/2016 09:53 AM
EXCLUSIVE: Yam Concepcion says no awkwardness working with ex Ejay Falcon
051516-yam_main.jpgWalang awkward feeling na naramdaman si Yam Concepcion sa muli nilang pagtatrabaho ng ex-boyfriend na si Ejay Falcon sa OFW movie na Magtanggol na pinagbibidahan din nina Tom Rodriguez, Denise Laurel at marami pang iba.

Hindi na, ang tagal na no’n, eh. Hindi ko nga alam na kasama siya sa movie, nalaman ko na lang nu’ng workshop. Wala siya no’n, eh, pero narinig ko na ‘Ah, si Ejay kasama sa movie.’

Sabi ko, ‘Ah talaga?Don ko nalaman. So sabi ko sa kanya, ‘So alam mo na bago mo kinuha yung pelikula nandito ako?’ Sabi niya, ‘Oo,’” kuwento ni Yam sa Push.com.ph.

Plantsado na rin ang lahat sa kanilang dalawa at hindi na sila nagkailangan pa.

Okay na lahat. Tapos na, nagbibiruan na kami ulit. Yung sa amin, nabuo yon sa Dugong Buhay, bale four months lang yon, tapos nung wala na kami, since then, hindi na kami nagkita.”

Sa tingin ba niya may bagong girlfriend si Ejay ngayon?

Ano yon, si Ejay Falcon mysterious yon. Madaming tinatago... joke!” biro niya.

Masaya namang naikuwento ni Yam na okay ang love life niya ngayon. Kaya lang, pino-problema daw niya ang kanilang long distance love affair.

Ang problema lang talaga is malayo siya. LDR kami kasi nasa Boston siya based ngayon. Consultant siya don. One year and four months na rin kami.

“Siyempre based siya do’n, he has to make a living and make a career for himself. Alam naman nami yung priorities namin, siyempre hindi ka naman puwedeng padalus-dalos. So we need to make sure na secure kami financially as well.

Kasi dapat sigurista tayo, di ba? Pero hindi ko pa naman alam kung siya talaga yung ano... mahirap kasing magsalita, di ba? How would you know? Even naman magpakasal na kayo how are you sure na kayo talaga, di ba?”

Naniniwala ba talaga siya sa long distance relationship?

Dati hindi. Before hindi ako naniniwala sa LDR kasi feeling ko hindi ko kaya. But I think it depends upon the person. Depende sa partner mo.

Kasi kung mahal mo talaga, gagawa ka ng paraan, eh. You will really try and make it work, depends on the person ha, it’s not for everybody.

Pero ang hirap... wala namang suko, or wala namang ayoko na. It’s more of ‘Ah, pagod na ako, ang tagal.’ Pero nagagawan namin ng way. Salamat sa WhatsApp, sa ating technology ngayon.

Kasi kung dati, via telepono o sulat lang, so at least ngayon, mas madali na. Laking tulong talaga. Or even looking for information mas madali na ngayon kasi it’s there, it’s easy. One click away na lang,” paliwanag ng sexy actress.

Umaasa si Yam na ang kasalukuyang boyfriend ang makakatuluyan niya.

Sana siya na. Gusto ko siya talaga na. Siguro if you’re meant to be, you’re meant to be. May rason naman ang Diyos kung bakit hindi kayo para sa isa’t isa.

“Maybe some are meant to be single for life, maybe some are destined to be married, some are destined to have a boyfriend or a girlfriend and never get married.

“We never know, eh. Hindi ko alam kung ano ang destiny ko. But I really want a family. Padamihin natin ang lahi natin,” masaya niyang pahayag.