• Home
  • Fresh Scoops
  • The teen star admits he sometimes feels inferior because he still has to complete his education.

Exclusive: Joshua Garcia says he plans to finish college

The teen star admits he sometimes feels inferior because he still has to complete his education.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/16/2016 01:05 AM
Exclusive: Joshua Garcia says he plans to finish college
051616-joshua_main.jpgGustong bumalik sa pag-aaral ni Joshua Garcia. Bago pumasok sa PBB house, third year lang ang natapos niya, pero dahil sa ALS (Alternative Learning Skills)  natapos na rin niya ang 4th year high school kaya puwede na siyang mag-aral sa kolehiyo.

“Gusto ko ngang bumalik, eh, habang wala pang ginagawa,” bulalas ng binata sa Push.com.ph.

“First year college na ako. Gusto kong mag-Business Management kahit irregular lang.

“Gusto kong pumasok kasi wala akong masyadong ginagawa, eh. Para matuto rin akong umingles-ingles. Mahirap ang hindi marunong, eh,” dagdag pa niya.

Inamin ni Joshua sa amin na madalas siyang nai-insecure kapag nakikipag-usap siya dahil kulang siya sa pinag-aralan.

“Oo, lagi. Palagi kong nae-experience yon. Hindi mawawala yon kasi siyempre, wala akong... kulang yung capacity mo...  hindi ako nakatapos ng high school. Third year lang ako.

“Mahirap lalo na kapag nakikipag-usap ka, may mga sinasabi sila na hindi ko maintindihan. Kahit sa script, may mga hindi ako maintindihan. Minsan igo-google mo na lang para malaman mo, mahirap talaga,” bulalas pa ng binata.
 
Samantala, isa pala sana si Joshua sa member ng Hashtags kaya lang hindi siya natuloy sa grupo.

“Hindi siya natuloy kasi parang mas nakikita ng management (ABS-CBN) na mas may opportunity ako sa ganitong ano... sa acting siguro. Natanggal ako nung day na mismong ilalabas sila.
“Nag-pictorial na kami no’n, eh. Kami-kami dapat ang magkakasama,” kuwento pa niya.

Eh, anong reaksyon niya na sumisikat na ang grupo particular sina Mccoy de Leon at Ronnie Alonte?

“Wala... wala na rin pong magagawa kasi nandodo’n na. Siguro kung hindi po yon talaga para sa akin. Darating yung time para sa akin,” rason niya.
 
Sa ngayon ay gusto munang mag-focus ni Joshua sa pag-arte and eventually sa pagpapaganda ng katawan. Gusto rin niyang sundin ang advice ng uncle niyang pari na huwag munang maggi-girlfriend.

“Tama naman kasi siya, minsan lang dumadating yung ganitong opportunity kaya dapat huwag talagang sayangin. So, yon po muna ang gagawin ko. Focus muna ako dito,” pagtatapos ng binata.