• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadia Montenegro is frustrated and mad at Twitter impersonator

Nadia Montenegro on her Twitter impersonator: ‘Galit na galit ako sa kanya kasi why?’

Nadia Montenegro is frustrated and mad at Twitter impersonator

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/14/2016 10:00 AM
Nadia Montenegro on her Twitter impersonator: ‘Galit na galit ako sa kanya kasi why?’
051416-nadja_main.jpgSa TV Patrol, isa si Nadia Montenegro sa mga artista na galit at dismayado sa mga naglipanang fake accounts sa social media. May nagpapanggap diumano na siya sa Twitter na ginagamit ang user name na @nadzmontenegro.

Traumatized at punong-puno na diumano si Nadia. Kung titingnan ang fake account na @nadzmontenegro sa Twitter, may mga malalaswang salita at may mga patama sa artista, politiko, pati na rin kay presidential frontrunner Rodrigo Duterte at sa pamilya nito.

Pag-aalma ni Nadia, “hindi ako pinalaki ng ganito at hindi ako nagsasalita ng gayang lingo, hindi ako ganung klaseng tao.” 

Hindi rin alam ni Nadia kung kanino lalapit at ano ang gagawin sa ganitong uri ng problema. “I’ve been trying to report the account since four years ago and then last year, kasi ang dami niyang binabash na artista and then some artistas would call me. Where do I go? Do I go to Twitter, do I go to NBI? Where do I go for this to stop?”

Galit na galit rin diumano siya sa kung sino man ang tao na nagpapanggap bilang Nadia Montenegro. “I can’t wait to know who this person is actually. Galit na galit ako sa kanya kasi why? How can somebody wake up and just ruin somebody’s life? It’s just so evil. Baka may sumaksak na lang sa akin sa galit di ba, not knowing na it wasn't really me.”