• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga reveals what—or who—she craves for during her pregnancy.

Toni Gonzaga talks about her pregnancy

Toni Gonzaga reveals what—or who—she craves for during her pregnancy.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/13/2016 12:54 PM
Toni Gonzaga talks about her pregnancy
051316-ToniGonzaga_PUSH.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, halata na diumano ang baby bump ni Toni Gonzaga ngayong five months na siyang buntis. June 12, 2015 nang ikasal sila ni direk Paul Soriano at aminado si Toni na wala pa silang plano na magka-anak agad. Kwento niya, “nung nagpositive yung test, natigilan muna ako, tapos napaluhod ako. Nasa CR (comfort room) ako nun e, nanghina yung tuhod ko. Napaluhod ako, napakapit ako sa sink tapos bigla na akong umiyak.”

Unang tinawagan ni Toni ang kanyang kapatid ni Alex para ibalita na siya ay buntis. Pati si Paul nagulat sa balita, pero pinakamasaya diumano ang mga soon to be Lolas. Yung mga Lolos naman diumano ay “parang ‘di makapaniwala.” Ani Toni, first apo on both sides ang magiging anak nila ni direk Paul.

Natagalan ibahagi ni Toni ang kanyang pagbubuntis sa publiko. Special moment diumano para sa pamilya nila at isa pa, naging maselan ang first trimester ng kanyang pagdadalang-tao. “na-experience ko yung bleeding and hemorrhage then I was asked to take medicine na pangpakapit.” 

Pinaka-espesyal diumano ang naging first ultrasound checkup. “Yung first time na lumabas yung heartbeat, that really changed everything for us. Paul got emotional. I got emotional.”

Ang pinaglilihihan naman ni Toni ay hindi pagkain kundi ang mister niya. “Kailangan ko siyang makagat, kung di ko siya makakagat kailangan ko siyang amuyin.” 

Ngayon buwan malalaman ng mag-asawa ang gender ng kanilang first baby.