• Home
  • Fresh Scoops
  • JaDine surprise a 72-year-old lola who became a fan after OTWOL.

James Reid and Nadine Lustre surprise 72-year-old fan

JaDine surprise a 72-year-old lola who became a fan after OTWOL.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/13/2016 10:32 AM
James Reid and Nadine Lustre surprise 72-year-old fan
051316-JaDine_PUSH.jpgNakaalis na kagabi, May 12, sina James Reid at Nadine Lustre para sa pagpapatuloy ng kanilang JaDine in Love world tour na pupunta naman ngayon sa USA at Canada. 

Bago umalis kahapon, puspusan ang kanilang rehearsals para sa concert. Dito rin naganap ang kanilang surprise para sa kanilang 72-years old na avid fan from Dasmarinas, Cavite na si Lola Rosella Latigar. Nagsimulang maging paborito ni Lola ang JaDine noong On The Wings Of Love teleserye at simula noon ay inaalam nya na ang lahat ng detalye kay James at Nadine at hindi nya akalain na makikita nya ito ng personal. 

Umiiyak at nahirapan pa huminga si Lola Rosella ng makita ang JaDine na niyakap niya ng mahigpit. "Naku hindi po ako makapaniwala na nakikita at katabi ko sila ngayon. Pwede na po ako mawala pero biro lang po yun."

Sina James at Nadine naman, binigyan ng mga bulaklak si Lola Rosella at nagpa-picture sa kanya. Sabi ni Nadine, ito ang kanilang maliit na paraan ng pagpapasalamat kay Lola. "Masaya po kami ni James dahil nagugustuhan ni Lola ang mga ginagawa namin at napapasaya namin siya."

Limang beses ng pinapanood ni Lola ang pelikulang This Time na ikinagulat ni James. "Thank you Lola Rosella. Maraming salamat po talaga." Yumakap si James kay Lola matapos sabihin ito.

Sa mga JaDine fans sa Amerika at Canada, maraming bagong mapapanood sa JaDine in Love world tour. Kuwento ni Nadine, maaliw sigurado ang mga manonood. "Talagang pina-practice namin ang mga bagong musical numbers and level up na siyempre ang mga gagawin namin at mapapanood nila."

Si James naman, nag-share din ng mga bago niyang gagawin. "If dati nag Michael Jackson mash up ako ngayon naman Chris Brown ang mapapanood nila mas mataas ang energy namin."

Nagpapasalamat sina James at Nadine sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang This Time movie at sana daw ay patuloy silang suportahan sa mga darating pa nilang projects.

051316-JaDine1_PUSH.jpg

051316-JaDine2_PUSH.jpg

051316-JaDine3_PUSH.jpg