Allen Dizon on love scene with Wendell Ramos: ‘Okey lang, kaibigan ko naman yon’

Allen Dizon takes on a gay role for a new indie flick.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/13/2016 10:02 AM
Allen Dizon on love scene with Wendell Ramos: ‘Okey lang, kaibigan ko naman yon’
051316-AllenDizon_PUSH.jpgNakakaramdam din pala ng discomfort kapag may ginagawang pelikula o TV project si Allen Dizon dahil sa pagiging multi-awarded actor niya.

Ayon sa aktor, ramdam niya ang malaking expectations sa kanya ng co-actors pati na ang director na nakakatrabaho niya dahil sa mga acting awards na nakuha niya local man or international.

“Kaya kapag nagsu-shoot ako ng bagong pelikula, o nagti-taping, sasabihin nila, 'Uy, si Best Actor.' Hindi ba, parang...sabi ko nga, baka masyadong mataas ang expectations niyo sa akin? 'Baka lahat ng ginagawa ko, akala ko niyo ay laging napakagaling ko, di ba?

“So sinasabi ko sa kanila, ako napa-timing lang yung pelikula, masuwerte lang ako ako sa role at nagawa ko nang maayos, pero di ibig sabihin non ay lahat ng gagawin ko ay pang-best actor na lahat.

“Siyempre, may mga weakness din ako. May mga role din na nahihirapan ako, hindi lahat ay challenging.

“Hindi ibig sabihin nun, lahat ay magaling ka na, di ba? May mga kailangan pa rin akong i-improve as an actor,” deklara ng aktor sa Push.com.ph na huling nakatanggap ng international best actor award sa 4th Silk Road International Film Festival para sa pelikulang Iadya Mo Kami ng BG Productions.

Muli na namang sasabak sa isang indie film si Allen kasama ang actor na si Wendell Ramos. Ayon sa kuwento sa amin ni Allen during the blessing of BG Productions office sa Lee Gardens (Mandaluyong) owned by Baby Go, matagal nang in-offer sa kanya ni Direk Mel Chionglo ang isang gay-themed movie titled Saddiq (Sadik).

Ang Sadik ay isang Arab word na ang kahulugan ay “kaibigan.”

“Ten years ago pa niyang (Direk Mel) inalok sa akin yung movie. Ilang beses ko na rin itong tinanggihan. Hindi pa kasi ako gumanap ng role na bading kaya para sa akin ito yung pinaka-challenging na pelikulang gagawin ko,” kuwento niya.

May isyu ba siya sa mga bading kaya ayaw niya ng gay role?

“Wala. Wala akong masamang pananaw sa mga bading. Masaya silang kasama, makuwento, kwela, talented.

“Wala akong ano... kasi, mga tao 'yan, e. Kumbaga, wala naman silang ginagawang masama sa akin.”

May mga nanligaw na bang bading sa kanya noon?

“Marami namang ganyan. Siyempre, sa hitsura kong ito? Hahaha! 'Normal naman yun. Naging kaibigan ko naman sila.

“Minsan lang, may mga bading na garapal, may bastos, pero di naman kasi maiiwasan 'yan. Pero ako, kasi normal na sa kanila 'yan, mabait naman akong tao kaya mabait din ako sa kanila.

“Huwag lang yung binabastos ako, hinahawakan yung ano ko, ibang usapan yun, di ba?” sabi pa niya.

Handa na ba siyang makipag-love scene kay Wendell at magkaroon ng kissing scene?

“Okay lang, si Wendell naman yun, kaibigan ko naman yon. Siguro, pag-uusapan na lang namin yun. Kami na ang bahalang mag-usap,” natatawa niyang pahayag.