Zsa Zsa Padilla takes a social media break

Zsa Zsa Padilla thanks friends and followers for their support after her breakup.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/12/2016 12:47 AM
Zsa Zsa Padilla takes a social media break


051116-ZsaZsaPadilla_PUSH.jpgKasama ang aktor na si Patrick Garcia, masayang naglakad sa red carpet premiere para sa digitally-restored version ng classic na pelikulang Batang PX ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Ito ang unang public appearance ni Zsa Zsa matapos mapabalita ang pakikipag hiwalay sa fiance na si Conrad Onglao.

Kuwento ni Zsa Zsa, malaking tulong sa pagmu-move on ang pagsusulat niya ng kanyang masakit na pinagdadaanan. "Kahit ganito na ang edad, natin hindi tayo natatapos sa life lessons so yun ang mga sinulat ko kung ano ang mga natutunan ko dito and hopefully not to commit the same mistakes again."

Naka-leave din ngayon sa social media si Zsa Zsa na kung saan kilala siyang aktibo. Bibigyang halaga na daw niya ngayon ang kanyang pribadong buhay.


"Eto na ha, to keep your private life private kasi masyado ako na enganyo dyan sa social media. Simula ng maging kami ni Dolphy, my life has been public so ngayon I have to keep my life private. I have to keep something for myself." 

Nagbigay mensahe rin si Zsa Zsa sa kanyang mga kaibigan at followers na sumusuporta sa kanya. "Thanks everyone to all your positive messages and pasensiya na kahit na ganIto ang edad nagkakamali pa rin," pagtatapos ni Zsa Zsa.

WATCH: Zsa Zsa Padilla vows to keep her life private