• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales’s teleseryes are a big hit in the international market

Jericho Rosales is Asia’s Prince of Dramas, ‘Bridges of Love’ a big hit in Peru

Jericho Rosales’s teleseryes are a big hit in the international market

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/12/2016 12:29 PM
Jericho Rosales is Asia’s Prince of Dramas, ‘Bridges of Love’ a big hit in Peru
051216-JerichoRosales_PUSH.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, binabansagan ngayong Asia’s Prince of Dramas si Jericho Rosales dahil sa patok ang kanyang mga teleserye sa international market. 

Big hit ang Bridges of Love sa Peru na pinamagatan nilang Puentes de Amor. Ito diumano ang kauna-unahang teleserye na pinalabas sa Peruvian television at pumatok sa Latin-American market. Ang Legal Wife naman ay patok din sa Africa at Balkan region.

Ang Dating May Isang Ikaw, na may international title na Destined Hearts ay ipapalabas na sa Colombia.

Ang original Pangako Sa’Yo, ang kauna-unahang Filipino drama ay ginawan ng remake sa Cambodia noong 2013, at nakakasa na rin ngayong taon ang remake nito sa Mexico. 

Ani Jericho, “it’s nice to be part of projects like that na may global appeal.” Dagdag pa niya, “this thing right now that is happening for us, it’s opening doors for us, for maraming actors dito sa Philippines ‘di ba…”

Malapit na rin umere ang latest teleserye ni Jericho, ang epic drama na may pamagat na Never Ever Say Goodbye. Pagbibidahan ito ni Jericho kasama si Arci Munoz.