• Home
  • Fresh Scoops
  • Cathy Garcia Molina also hints at a John Lloyd Cruz and Vice Ganda movie.

Cathy Garcia Molina reveals another John Lloyd Cruz-Jennylyn Mercado movie in the works

Cathy Garcia Molina also hints at a John Lloyd Cruz and Vice Ganda movie.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/12/2016 09:53 AM
Cathy Garcia Molina reveals another John Lloyd Cruz-Jennylyn Mercado movie in the works
051216-CathyJLJenn_PUSH.jpgNakausap natin si Direk Cathy Garcia Molina sa premiere ng restored version ng Batang PX at masayang-masaya siya dahil lagpas 100 million na ang kinita ng latest niyang pelikulang Just the 3 of Us na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.

"Siyempre sobrang masaya kami considering na nakasabay namin ang election time at may malalaking pelikula pa na kasabay sa playdate. We are thankful sa mainit na pagtanggap ng audience."

Gaya ng nabanggit ni Direk Cathy bago ipalabas ang Just The 3 of Us, posible na magkaroon muli ng pelikula sina John Lloyd at Jen dahil sa kakaiba nilang chemistry.

"I’ve heard may bagong project na inaayos at binubuo para sa kanilang dalawa."

Nai-share pa ni Direk na malaki ang chance na matuloy ang isang pelikula with John Lloyd and Vice Ganda na nabanggit ni Vice sa isa sa recent episodes ng Gandang Gabi Vice.