• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid and his family will move to a new 7-bedroom house after he returns from the US.

James Reid celebrates his birthday with abandoned children

James Reid and his family will move to a new 7-bedroom house after he returns from the US.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/12/2016 12:48 AM
James Reid celebrates his birthday with abandoned children
051116-JamesReid_PUSH.jpgPahinga si James Reid nu’ng May 10 at ngayong 23rd birthday niya, May 11. Binigyan siya ng rest day ng Viva dahil yon daw ang kanyang ni-request.

Ang May 10 ay ginamit ni James para ipaayos ang kanyang ipin and to see a doctor. Do’n din niya ginawa ang lahat ng preparasyon para sa U.S. concert tour nila ni Nadine Lustre.

Ano pa ba ang ibang birthday wish niya bukod sa makapagpahinga?

“Ah... happiness for my family, successful world tour, yon lang,” nakangiti niyang pahayag.

Thirteen shows in 13 cities ang gagawin nila sa Amerika in one month, pero meron din daw naman silang pahinga in between.

“Don sa 13 shows may free time naman. I’ll have free time in San Diego, free time in New York. Actually, yung sa New York nag-extend kami (ni Nadine), 3 or 4 days, baka mag-watch kami ng Broadway shows,” excited niyang kuwento.

Thankful naman si James na patuloy na tinatangkilik ng fans ang This Time nila ni Nadine.

“Sobrang saya, actually yon yung unang wish ko, for the success of This Time. I’m really happy. Very, very happy.

“I’d like to say thank you also sa organizers ng block screenings, 70 plus na.”

Pagbalik ni James sa bansa ay aasikasuhin naman niya ang paglipat sa nabiling bahay sa Loyola Grand Villas na may seven bedrooms.

“When I returned from the States sa ako lilipat, baka June or July. Yeah, my own house. Me, my brothers, my sisters, my dad will be there.”

May konti lang daw siyang ipinaayos sa bahay bago lipatan.

“I extended the pool, putting in aircon units, so hot, eh. Kailangan ko lang ng pool, yung pool talaga importantet sa akin. Matatapos na yon before I get back.

I was thinking about (buying) a sports car sana, an Audi R8, and I thought, it’s so selfish, it’s only for me. Because my brother, my sister they share a room, so I got a bigger house para mas comfortable sila.

“I can buy pa naman may Audi car later or one day,” pagtatapat niya.

Ayaw namang banggit sa Push.com.ph ni James kung magkano niya nabili ang 7-bedroom house sa LGV. Natawa lang siya nang tanungin namin tungkol dito.

Samantala, bago ang kanyang kaarawan ay pinasaya muna ni James ang mga bata sa Asociacion De Damas De Filipinas, isang charitable orphage para sa mga bata.


“My friend from G-force came with me and we danced with the kids, gave them gifts, ice cream, bags. Sila yung mga kids na iniwan ng parents nila, abandoned kids. I like children kasi.”

Eh, bakit nga ba love na love niya ang mga bata?

“I had a nice upbringing, I had a very nice childhood, going to the beach, our family is rich, so I like to... for other kids to experience the same,” sabi pa niya.