• Home
  • Fresh Scoops
  • Who are the winners and losers among the more than 50 celebrity hopefuls of the 2016 elections?

Celebrity winners and losers of Elections 2016

Who are the winners and losers among the more than 50 celebrity hopefuls of the 2016 elections?

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/11/2016 12:03 PM
Celebrity winners and losers of Elections 2016
051116-RichardLucy_PUSH.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, tanggap na diumano ni Alma Moreno ang pagkatalo niya sa Senatorial race. Ganunpaman, panalo naman ang kanyang anak na si Vandolph bilang konsehal ng Paranaque. Alay ni Vandolph ang kanyang pagkapanalo sa yumao niyang tatay na si Dolphy.  

Panalo rin si Jomari Yllana at si Roselle Nava bilang councilor sa kanilang mga distrito. 

Apat na beses naman tumakbo si Richard Gomez sa iba’t ibang posisyon sa politika simula 2001 at sa wakas prinoklama na siya ngayon bilang Mayor ng Ormoc, Leyte. Panalo rin ang kabiyak ni Richard na si Lucy Torres-Gomez bilang re-electionist Leyte Representative.

Sa Calatagan, Batangas naman panalo ang dating Viva Hot Babe na si Andrea Del Rosario bilang Vice Mayor at nangako siyang isusulong ang kanyang Agri-Tourism advocacy. 

Sa Cavite naman, Mayor si Lani Mercado at Vice Governor ang kanyang anak na si Jolo Revilla. 

Ang dating sexy star na si Cristina Gonazales Romualdez ang bagong Mayor ng Tacloban, Leyte. 

Sa Makati wagi si Monsour Del Rosario bilang Congressman, at si Rico J Puno bilang Councilor. Councilor na rin ang dating It’s Showtime host na si Jhong Hilario. 

Sa Quezon City, balik naman sa pwesto si Herbert Baustista bilang Mayor, ganun rin si Congressman Alfred Vargas at councilors Roderick Paulate at Anjo Yllana. 

Pasok rin ang anak ni Boots Anson Rodrigo na si Chiqui Puno bilang Congressman ng Rizal.

Laglag naman si Angelica Jones bilang Laguna Vice-Governor. Tinalo rin ni Daniel Fernando sa bilangan si Philip Salvador bilang Bulacan Vice-Governor. At ang dating Kongresista na si Dan Fernandez ay panalo bilang bagong Mayor ng Sta. Rosa, Laguna. 

Winner rin si Yul Servo bilang bagong Congressman ng Maynila. Ang anak naman ni Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto ay nanalong bagong konsehal ng Pasig. 

Mahigit 50 na bituin at personalidad diumano ang lumaban sa Halalan 2016, at hindi man pinalad si Lito at Mark Lapid, Edu Manzano, Isko Moreno, ER Ejercito, Daisy Reyes at Ronnie Rickets; marami rin naman ang nagtagumpay katulad ng mga reelectionist reliables na sina Joseph Estrada bilang Manila Mayor, Tito Sotto bilang Senator at Vilma Santos bilang Congressman ng Batangas.