• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado recounts first encounter with John Lloyd Cruz.

Jennylyn Mercado on John Lloyd Cruz: ‘Nahabol ko siya nasa parking na, nagpa-picture na ako’

Jennylyn Mercado recounts first encounter with John Lloyd Cruz.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/10/2016 10:33 AM
Jennylyn Mercado on John Lloyd Cruz: ‘Nahabol ko siya nasa parking na, nagpa-picture na ako’
051016-JenJL_PUSH.jpgNakisaya ang team ng Just the Three of Us na sina John Lloyd Cruz, Jennylyn Mercado and direk Cathy Garcia-Molina sa Gandang Gabi Vice

Aminado naman si Jennylyn na fan na siya ni John Lloyd Tabing Ilog days pa lang. Nagkwento si Jennelyn na ang una nilang pagkakilala ni John Lloyd ng personal ay sa isang mall. “Sa mall yun, Vice. Dala-dala ko pa si Jazz nun. Paakyat siya ng escalator, tapos ako pababa, hinabol ko siya, fan na fan lang. Nahabol ko siya nasa parking na, nagpa-picture na ako.” 

Habang ginagawa rin nila ang pelikulang Just the Three of Us, natuklasan ni John Lloyd na maganda ang boses ni Jennylyn. Matapos ang taping, nagkayayaan diumano ang cast and crew ng pelikula na pumunta sa isang KTV bar na nasa tapat lang ng location nila. Ang gustong-gusto ni John Lloyd na kinakanta ni Jennelyn ay “Chasing Pavements” ni Adele.

Kinanta rin ni Jennelyn sa GGV ang paboritong kanta ni John Lloyd na “All Behind Us Now.”

Pang-sampung beses na ni Direk Cathy maka-trabaho si John Lloyd. Ani Direk Cathy, “More than half of my filmography is with him.” Pero unang beses lang niyang nakatrabaho si Jennylyn. 

Sinabi ni Direk Cathy na “agad-agad” nakuha ni Jennylyn ang loob niya dahil isa itong “mabait, accommodating, very understanding (na aktres.) ‘Pag pina-tumbling mo ta-tumbling siya, kahit na anong pagawa mo.” Ganunpaman sabi ni Direk Cathy, “ako hindi niya agad ako natanggap.” Paliwanag ni Direk, “yung takot niya matagal nawala, no matter how much we tried to make her feel welcome, na ako hindi masungit, nagpanggap ako ng slight… yung takot niya matagal nawala.”

Pagpapaliwanag naman ni Jennylyn tungkol dito, “siyempre ibang direktor si Direk Cathy e, so ayoko siyang ma-frustrate, ayoko siyang ma-disappoint sa performance ko, sa ipapakita ko, kaya nandun yung fear, konting fear…” Dagdag pa ni Jennylyn, “huy pero in fairness naman Vice, talagang tina-try nila Direk Cathy and John Lloyd na ma-welcome ako doon at ma-feel ko na part ako ng family. Pasensiya na.” 

Kwento ng tatlo, naging okay naman ang lahat at inisip nila ngayon na “bitin” pa ang pagsasama nila sa pelikula.