• Home
  • Fresh Scoops
  • Senator Grace Poe says she respects the results of the elections and congratulates Davao Mayor Rody Duterte.

Grace Poe calls Rodrigo Duterte, concedes defeat

Senator Grace Poe says she respects the results of the elections and congratulates Davao Mayor Rody Duterte.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/10/2016 09:11 AM
Grace Poe calls Rodrigo Duterte, concedes defeat
051016-GracePoe_PUSH.jpgNag-concede si Senator Grace Poe sa presidential race na nagaganap ngayon sa bansa. Si Sen.Poe ang pangalawang presidentiable na tumanggap ng pagkatalo Lunes ng gabi, matapos  nang manguna ni Mayor Rodrigo Duterte sa partial, unofficial poll results. 

Pangatlo lang si Sen. Poe sa unofficial polls at pangalawa naman si Sen. Mar Roxas. 

Ayon kay Mayor Duterte, tinawagan siya ni Sen. Poe para mag-concede ng pagkatalo. 

Malayo ito sa mood ni Sen. Poe noong Lunes ng umaga nang sabihin niya na kompyansa siya na siya ang mananalo. 

Matatandaan na naipanalo ni Sen. Poe ang ilang disqualification cases na isinampa laban sa kanya patungkol sa kanyang citizenship. 

Sa kanyang opisyal na pahayag, kasama ang anak na si Brian at asawang si Neil Llamanzares sinabi ni Sen. Poe na, "Lumaban kami ng malinis at patas. Matutulog kami ngayong gabi na may malinis na konsensiya, na panatag sa kaalaman na ako, kasama ang aking pangkat, at ang lahat ng minamahal kong taga-suporta, ginawa natin ang lahat. Ginawa natin ang lahat ng ating makakaya.” 

Binati rin ni Poe si Mayor Duterte. "Iginagalang ko ang resulta ng ating halalan. Binabati ko si Mayor Rodrigo Duterte at ipinapangako ko ang aking pakikiisa sa paghilom ng ating bayan at pakiisa ng ating kababayan tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa." 

Dagdag pa niya, “Hindi naging mahirap sa akin ang ating pagbibigay daan. Hindi ito pagsuko. Ito ay pagbibigay respeto sa demokrasya.”