Grace Poe: ‘Binabati ko si Mayor Rodrigo Duterte’

Grace Poe concedes defeat

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/10/2016 10:37 AM
Grace Poe: ‘Binabati ko si Mayor Rodrigo Duterte’
051016-GraceRodrigo_PUSH.jpgNagpahayag na ng pagtanggap ng pagkatalo si Senator Grace Poe, Lunes ng gabi, May 9, matapos lumamang si Mayor Rodrigo Duterte sa partial, unofficial polls para sa pagka-Presidente ng bansa.

Sa kanyang opisyal na pahayag, kasama ang anak na si Brian at asawang si Neil Llamanzares, sinabi ni Sen. Poe na, "Lumaban kami ng malinis at patas. Matutulog kami ngayong gabi na may malinis na konsensiya, na panatag sa kaalaman na ako, kasama ang aking pangkat, at ang lahat ng minamahal kong taga-suporta, ginawa natin ang lahat. Ginawa natin ang lahat ng ating makakaya.” 

Binati rin ni Poe si Mayor Duterte. "Iginagalang ko ang resulta ng ating halalan. Binabati ko si Mayor Rodrigo Duterte at ipinapangako ko ang aking pakikiisa sa paghilom ng ating bayan at pakiisa ng ating kababayan tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa. 

Dagdag pa niya, “hindi naging mahirap sa akin ang ating pagbibigay daan. Hindi ito pagsuko. Ito ay pagbibigay respeto sa demokrasya.”