• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz indicates that there must be a good reason why she was granted full custody of her kids.

Sunshine Cruz speaks up about Cesar Montano and child support

Sunshine Cruz indicates that there must be a good reason why she was granted full custody of her kids.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/01/2016 09:57 AM
Sunshine Cruz speaks up about Cesar Montano and child support

050116-sunshine_up.jpgThrough a friend, nahingi namin ang side ni Sunshine Cruz tungkol sa mga bagong pahayag ng ex-husband na si Cesar Montano about their children. Para kay Sunshine, hangga’t maaari ay huwag na sanang banggitin pa ng aktor ang mga anak nila kapag iniinterbyu ito at ipagmalaki na siya ang nagbabayad ng tuition fee ng mga bata.

“I hope he stops mentioning the kids. Hindi siya kinakawawa o kawawa. If in his heart po masama ang loob niya sa utos ng korte na siya ang magbayad sa tuition then ‘wag niya gawin kesa naman banggit siya nang banggit na siya ang nagpapaaral ng kids.

“‘Di naman napapatunayang mabuti ka ngang ama dahil lang sa ikaw ang nagbabayad ng tuition. There is more to that if you are a responsible parent to your children,” pahayag ng aktres sa Push.com.ph.


Nabasa ni Sunshine ang links na ipinadala sa kanya ng mga concerned friends tungkol sa mga bagong pahayag ni Cesar na hindi niya nagustuhan.

Ang sabi niya, he has the right to see the kids. Kids are big enough to decide if they want to see him.

Bakit nga ba sa akin napunta ang full custody ng mga bata? Baka may matinding dahilan, ’di ba?” reaksyon niya.

Sinisiguro rin ni Sunshine na walang dapat ipag-alala nag estranged husband kung nasa poder man niya ang mga bata dahil nasusubaybayan naman daw niya nang maayos ang pag-aaral ng mga ito.

“Kids are fine. We are fine. Nananahimik na nga, eh. Sinusubukang manahimik pero ayaw niyang tumigil. Kids are happy, excelling and not at all bothered and traumatized unlike before. Sana patahimikin na lang muna niya kami at tigilan na ang pag-iingay sa media,” pakiusap pa niya.

“If and when the kids decide to see him, irespeto niya at hintayin na lang niya. Focus na muna siya sa ibang mga anak niya at sa pagtakbo niya ulit sa pulitika at sa mga darating pa niyang trabaho.

“Who knows all of these will make him realize that maybe siya ang may mali kaya naging ganyan ang sitwasyon,” dagdag pa ni Sunshine.

Ayon pa sa aktres, dismayado siya na parang lumalabas na isinusumbat ng aktor ang pagbibigay niya ng tuition sa mga anak.

“Kailangan niyang mag-ingay at gumamit sa mga bata. Ang pathetic lang niya para isumbat ang tuition fee ng kids. Ni minsan ba naisip din niya kung nakakain nang maayos ang mga bata at may matutuluyang maayos na bahay?

Wag niya ako pasamain kasi paano na lang kung dahil sa drama niya masira ako at mawalan ng work. Ano ang ipapakain ko sa mga anak namin?” pagdidiin ng aktres.