• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid and Nadine Lustre also share their thoughts on long distance relationships.

James Reid on going head-on with John Lloyd-Jennylyn: ‘I’ve always believed in healthy competition"

James Reid and Nadine Lustre also share their thoughts on long distance relationships.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/01/2016 11:14 AM
James Reid on going head-on with John Lloyd-Jennylyn: ‘I’ve always believed in healthy competition"

050116-jadine.jpgMakakatapat ng pelikulang This Time nina James Reid at Nadine Lustre ang pelikulang Just The 3 Of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa May 4

Pero magkaganu’n man, ayaw gawing isyu nina James at Nadine ang tapatang mangyayari lalo pa nga’t sa iisang TV network (ABS-CBN) naman sila nagwo-work

Sabi ni James, “It’s a first time experience so I really don’t know how to react. But I’ve always believed in healthy competition. Of course, we’re surprise as well.”


Ayon naman kay Nadine, “Nagulat din po ako but then, hindi ko rin po alam kung paano magre-react kasi first time. Ewan ko po, ako first time ko lang din po na-experience na merong dalawang movies na same din po yung playdate nila.

“ We’re happy naman po, siyempre si Kuya Lloydie doon naman po ‘yon. I mean, we’re not competing naman po with anyone. We’re just really excited and happy po sa This Time.”

Idinagdag din ni Nadine na confident naman sila sa kanilang pelikula ni James.

“We’re confident naman po kasi everyone did their best po. Lahat po kami talagang we put like 110% dito sa movie,” sabi pa ng dalaga.

Nagpasalamat ang magka-loveteam sa suporta ng fans sa kanilang tambalan at sa latest movie nila. May isang fan group nga raw na magkakaroon ng 31 block screenings para sa This Time.

Sobrang thankful talaga kami. Bukod don sa isang fan group na yon, marami pang ibang magpapa-block screening. Happy talaga kami sa suporta nila,” masayang balita ni Nadine.

Tungkol sa long distance relationship ang tema ng pelikulang This Time.

“In  this movie, hindi po kasi naging sila talaga. Ito po yung movie namin na... basta malabo po silang dalawa, so hindi sila together,” pagre-reveal pa  ni Nadine.

Dagdag naman ni James, “I guess this movie, it’s more focused on the love, the relationship. It goes deeper into relationships like long distance relationship. I can’t say it’s more mature coz it’s very light. So easy to watch.”

Naniniwala ba siya sa long distance relationship?

“I never tried a long distance relationship, never. And I don’t believe in long distance relationship but after playing this character in the movie, it makes me feel it’s possible. If you feel na they’re the one for you, you’ll go the distance, you’ll wait any time to be with them,” sagot ng binata.

Eh, ano ba ang reaksyon niya sa patuloy na nang-iintriga at namba-bash sa kanilang relasyon ni Nadine?

“I think we’ve got to a point where we just don’t care. They can say what they wanna say. What important is we’re happy so much,” diretsong pahayag niya.

Samantala, habang nagsusyuting sila sa Japan ay na-feature ang Jadine sa isang sikat na news channel sa Japan.

“We went to eat right after the interview and it was airing on TV and then I looked and I go like, ‘wait, are we in the Philippines?’ We were really surprised,” kuwento pa ni James.