• Home
  • Fresh Scoops
  • "It's a great time for movie fans to watch local films," James Reid emphasized.

James Reid and Nadine Lustre share what their favorite scene is in "This Time"

"It's a great time for movie fans to watch local films," James Reid emphasized.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/02/2016 01:31 AM
James Reid and Nadine Lustre share what their favorite scene is in "This Time"
050216-jadine_main.jpgSa ating solo interview sa tandem nina James Reid at Nadine Lustre para sa kanilang pelikulang This Time, nag-share ang dalawa ng kanilang di makakalimutan na eksena sa pelikula. 

Iisa ang kanilang naging sagot at si Nadine ang nag-detalye ng kuwento.

"Ito po yung naggagawa kami ng clay pots, kasi po yung character ko dito sa movie art student siya at sa Japan po namin nai-shoot ang scene na yun."

Ayaw ng pahabain pa nina James at Nadine ang binibigyan kulay na pagtatapat ng kanilang pelikula sa John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado movie na  Just the 3 of Us

Ayon kay James, mas mag-eenjoy ang movie fans sa mas maraming movies na mapapanood.

"It's a great time for movie fans to watch local films and we take it as a challenge to be better and it will level us up," komento nito. 

Malapit na rin ang birthday ni James at pahinga ang kanyang birthday wish, pati na rin ang makasama ang kanyang pamilya. Naka-ready na rin daw ang regalo ni Nadine kay James at secret na lang daw muna ito.

Nilinaw pa ng Jadine tandem na wala silang ini-endorse na kandidato at naglabas na ng official statement ang management nila, ang Viva Artists Agency. 

Dagdag pa ni Nadine, isa lang ang ini-endorse nila ngayon at ito ang kanilang pelikula na ipapalabas na sa May 4.