• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities react to DOLE’s recommendation of working hours, conditions for taping.

DOLE recommends limit of 14 working hours for taping

Celebrities react to DOLE’s recommendation of working hours, conditions for taping.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/09/2016 09:17 AM
DOLE recommends limit of 14 working hours for taping
040916-dole_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, inirekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang eight-hour working conditions na may maximum 14 working hours limit sa taping at shooting. 

Isa na sa nagpahayag ng opinyon ang aktres na si Antoinette Taus tungkol dito, lalo na nang magkaroon ng cut-off na alas dos ang kanilang taping. Aniya, “hindi ko akalain na magkakaroon ng pagbabago. Grabe nagulat talaga ako na sa MMK (Maalaala Mo Kaya) pa. Yun pa naman yung mga show na tawag nga nila ngaragan talaga…but it’s just a great thing. I think nga po magkaka-domino effect na ito.” 

Sinabi rin ng aktor na si Baron Geisler na, “sa totoo lang mas naapektuhan yung mga tao behind the scenes, more than the actors.”

Ayon naman sa batikang manunulat na si Ricky Lee, “I think tama na magkaroon ng cut-off, pero I think more than that yung mas tamang mindset, which is na mahalaga ang mga pelikula at TV shows na ginagawa natin but in the end mas mahalaga tayo.” 

Ipinakita ng Film Academy of the Philippines sa ABS-CBN news ang mga nakasaad na detalye sa draft ng direktiba nila para sa DOLE. Walong oras lang daw kada araw na dapat ilaan sa pagtatrabaho at kung hindi maiiwasan pwede i-extend ito hanggang 14 hours. Kasama na rin sa working hours ang pag-aantay ng manggagawa sa set. Kasama rin diumano ang transportation and accommodation arrangement sa lahat ng manggagawa.

Isa rin ang aktres na si Dina Bonnevie sa natuwa sa balitang ito. “kailangan natin magpahinga e. Minsan tayo sa showbiz dahil masyado tayong nagpupuyat maraming inaatake sa puso. So they’re trying naman na 12 o’clock tapos na.” 

Kasama rin sa nagbigay ng reaksyon si Joonee Gamboa. “We should just think that we’re working with human beings, you know, and not just think of the returns.”