• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Cathy Garcia-Molina reveals what to expect from Jennylyn Mercado in 'Just The 3 of Us.'

Cathy Garcia-Molina talks about working with Jennylyn Mercado for the first time

Director Cathy Garcia-Molina reveals what to expect from Jennylyn Mercado in 'Just The 3 of Us.'

BY
Kristhoff Cagape

FRESH SCOOPS

04/09/2016 09:23 AM
Cathy Garcia-Molina talks about working with Jennylyn Mercado for the first time
040916-cathymolina_main.jpgDirector Cathy-Garcia Molina shared her experience working with Jennylyn Mercado for the first time in the movie Just the 3 of Us. The director remarked that she did her best to make Jennylyn feel at home during the filming.

"Si Jen kasi hindi naman ako magsisinungaling dahil marami rin akong trabaho and ano hindi ko napanood ang mga pelikula niya and she knows that and I told her that so wala akong kaalam-alam sa kanya. The last time I know she was with ABS(CBN) a long time ago, bata pa siya, dalaga pa siya. Tapos siyempre nagtanong ako kay Dan (Villegas, director ofWalang Forever) [sabi niya] 'Okay 'yan pero matagal mag warm up.' Parang sa kanya sinasabi niya it took one film para mag-warm up for the next. 'Ganon ba? Malaki ba tatatrabahuin ko dito?' Pero may extra effort naman ang staff at kami ni Lloydie (John Lloyd Cruz) para mag-reach out to her to make her feel na she is welcome here. Dito naman sa atin walang Kapamilya, walang ano, di ba artista ka namin pareho-pareho lang tayo."

The director said that Jennylyn is one of the nicest actresses that she has worked with. "Kasi 'yung friendship namin ni Lloydie goes way back, siya dumating bago eh so alam ko naiilang so sana naging okay kami sa paningin ni Jennylyn kung paano namin siya winelcome at gawing parte ng pelikulang ito pero bilang artista wala akong masasabi sa kanya, ganon naman on most katrabaho ko sa ABS(CBN) naman kasi mababait ang mga artista at magagaling and Jennylyn is one of them."

With her previous movies topping the box office, direk Cathy stressed that she does not want to put the pressure on Jennylyn for this movie to be a grand success like her other films. "Kasi kami ni Lloydie ayaw namin ng ganon eh, ayaw naming gumawa ng pelikula na there is a pressure on your head na kailangan i-topple mo ang past film mo kasi unang-una you cannot please everybody. Pangalawa kanya-kanyang sensibilidad eh di ba? Parang dalawang kare-kare lang 'yun, magkaiba ang flavor so hindi pwedeng blockbuster pareho. 'Yung isa mas gusto ng iba di ba? Ganon lang siya so kami ayaw talaga namin sumalang sa isang project knowing na kailangan tapatan natin 'to kasi 'yung nararamdaman, unfair for everybody especially for Jennylyn. Ang aming responsibilidad ay gawing maganda ang pelikulang ito whether it's going to be better or any lesser."

The director further shared that Jennylyn's performance is different in this film compared to her previous movies. "In fact nahirapan ako kasi ayon na nga I am working with a leading lady na I never worked with and I have never seen any work so dumating siya sa akin na isang parang canvass so hirap at alam ko nahihirapan din siya. We tried, nahanap ko, I think nahanap ko, sana nahanap ko at sinasabi ko sa kanya 'yun na nahanap ko. Iba ang ibinigay niya doon sa ibang pelikula. Hiningan ko siya ng isang bagay na more than kung ano ang nabigay niya sa past films so I know it's harder for her."