• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn says she has always been sincere when dealing with her fans.

Kathryn Bernardo on other Kapamilya love teams: 'Wala dapat issue'

Kathryn says she has always been sincere when dealing with her fans.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/08/2016 02:21 PM
Kathryn Bernardo on other Kapamilya love teams: 'Wala dapat issue'
040816-KathrynBernardo_PUSH.jpgHindi maiwasang palaging maikumpara ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ibang Kapamilya love teams. Ayon kay Kathryn, hindi raw naman sila nati-threaten kahit pa i-compare sila sa iba.

"Feeling kasi namin ni DJ (Daniel), iba-iba ‘yung ino-offer ng bawat loveteam. Nasa isang network naman kaming lahat. Ang importante du’n, sa mga fan groups na sumu­suporta sa iba, sa mga sumusuporta sa amin, respetuhan,” katwiran ng dalaga.

Dagdag pa niya, “At the end of the day, wala dapat issue. Basta ang sa amin, ang motivation namin ni DJ na dapat ‘yung mga taong sumusuporta sa amin, hindi sila mawalan ng dahilan para suportahan kami.

“Sa mga projects, dapat may quality talaga ‘yung aming ginagawa. ‘Yung pakikitungo naman sa fans, laging totoo at sinsero at hindi ‘yun magbabago. Kami naman ni DJ, lagi lang totoo ang pinapakita namin,” sabi ni Kathryn.
      
Nagbigay din ng reaksyon si Kathryn sa mga namba-bash sa kanila ni Daniel dahil sa pag-i-endorse nila ng isang pulitiko.

“Kailangan lang po respetuhin natin ang isa’t isa lalo na sa kung sino ang pinili nating kandidatong sinusuportahan,” paliwanag niya.