• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado says she was an extra on the John Lloyd Cruz-Bea Alonzo series ‘Kay Tagal Kang Hinintay’

Jennylyn Mercado reveals her first screen kiss with John Lloyd Cruz was when she was a bit player

Jennylyn Mercado says she was an extra on the John Lloyd Cruz-Bea Alonzo series ‘Kay Tagal Kang Hinintay’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/08/2016 07:51 AM
Jennylyn Mercado reveals her first screen kiss with John Lloyd Cruz was when she was a bit player
040816-JennylynLloyd2_PUSH.jpgNagpa-set visit ang pelikulang Just The Three of Us na naka-location sa Angeles, Pampanga. Inabutan natin ang mga bida sa pelikula na sina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado with direk Cathy Garcia Molina na nagba bonding in between ng kanilang mga eksena sa shooting. Major na project ito para kay Jennylyn na nakasama na rin noon ang Kapamilya actors na sina Jericho Rosales at Sam Milby sa kanyang RomCom movies at ngayon nga, si John Lloyd na ang kanyang leading man. Ginulat pa ni Jen si JL ng mai-kuwento nito na noong nagsisimula pa lang siya as a bit player ay sinuwerte siya na maka eksena si John Lloyd sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay.

"Hindi ko alam kung naalala ni Lloydie yun kasi nag extra ako dati. Tinawagan ako ng manager ko sabi baka pwede ako mag extra sa soap nila ni Bea (Alonzo) yung Kay Tagal Kang Hinintay (looking at John Lloyd) May kissing scene pa nga tayo nun!"

Dagdag pa ni Jen na mukhang hindi na nga maaalala ni John Lloyd ang eksena nila.

"Naku iba itsura ko noon long hair ako at maitim pero ngayon maputi na ako di ba? (Laughs)"

Hindi din naman ikinaila ni Jen na isang Linggo na tahimik lang siya at nag-adjust sa pakikipag-trabaho kay John Lloyd pero ngayon naman daw ay ok na ok na sila. Ipapalabas ang Just the 3 of Us sa April 27.