Hunk actor na mahilig sa masahe, buking ang tunay na kasarian?

BY
Miss Lyka

FRESH SCOOPS

04/08/2016 12:39 AM
Hunk actor na mahilig sa masahe, buking ang tunay na kasarian?
040716-Blinditem2.jpgNoon pa man ay may umuugong na tsismis na tungkol sa hunk actor na ito na siya member din ng third sex at ka-federacion ng mga bading, pero ipinagkikibit balikat lang namin ito. Usung-uso kasi sa showbiz na ang male star ay natsitsismis na gay, di  ba?

Pero nang marinig namin ang kuwento ng isang showbiz insider, do’n namin napagtanto na totoo nga ang kasabihan na kung walang usok, walang apoy. May sense ba?

Anyway, eto na ang kuwento. Mahilig daw magpamasahe ang hunk actor na ito sa kanyang condo unit somewhere in the city. Of course, home service ang kanyang drama. Pero hindi raw babae ang kinukuha niyang masahista kundi mga lalaki. And take note, mga guwapong lalaki.

Ang drama ng hunk actor, naka-dim light lang ang kanyang kuwarto na halos di mo na maaaninag ang kasama mo kapag siya ay nagpapamasahe. Nakasuot din daw ito ng bonet para hindi siya makilala.

Kaya lang, yung isang nag-home service sa kanya ay sinipat-sipat ang kanyang itsura hanggang namukhaan niya ang hunk actor. After that session, ikinalat na niya kung sino ang hunk actor na siniserbisan niya.

Kaya pala hindi napapabalita na merong girlfriend ang hunk actor na ito kahit kailan. Minsan nang may na link eh kaibigan lang pala. Sayang, ang gwapo pa naman at ang lakas ng dating ng hunk actor na ito. Yon pala, kagaya rin siya ng iba – na lalaki rin ang hanap.

Photo credit: weheartit.com