• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo also talks about taking on more mature roles.

Kathryn Bernardo says she wants to be an 'action star' now that she’s 20

Kathryn Bernardo also talks about taking on more mature roles.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/07/2016 03:20 AM
Kathryn Bernardo says she wants to be an 'action star' now that she’s 20
040616-KathrynBernardo2_PUSH.jpgNgayong 20 years old na si Kathryn Bernardo, wala raw namang magiging malaking pagbabago sa kanyang buhay.

“Parang number lang naman ‘yung nagbago. Ganu’n pa rin ako. Ine-enjoy ko lang. Feeling ko, ang dami kong natutunan last year and excited ako sa mangyayari this year,” pahayag niya sa Push.com.ph.

Ramdam din ni Kathryn na binigyan na siya ng mommy niya ng freedom to decide sa mga bagay-bagay.

“Alam ko na ‘yung gusto ko, sa ayaw ko. Alam ko na ‘yung tama sa mali. Sa pag-handle naman sa mga bagay at situations, siguro magagawa ko na yon more maturely. Excited talaga ako sa lahat.

“Thankful din ako na kahit ano ang ginagawa ko, andiyan ang fans na sumu-suporta,” pagpapatuloy pa niya.

May wish si Kathryn para sa kanyang career ngayong 20 na siya.

“Sana tuluy-tuloy lang yung career. Gusto kong gumawa ng action,” pag-amin niya na medyo ikinagulat ng ilang press na kaharap niya.

“Kasi, nag-romantic comedy na ako. Nag-drama, nag-comedy at nag-horror na rin. Pero yung action, na parang parang Lara Croft, hindi pa. Parang big time yon (laughs) at feeling ko, masayang gawin,” sey pa niya.

Sa tanong kay Kathryn kung meron ba siyang ibang Kapamilya actors na type maging leading man, natawa siya ng konti.

“Sa ngayon, si DJ (Daniel Padilla) muna,” reaksyon niya. Kasi nga, halos lahat ng leading men sa ABS-CBN, “may mga kapareha na,” hirit pa niya.

May plano rin daw sila ni Daniel with regards sa pagtanggap nila ng mga mature roles.

“Napag-usapan namin ni Daniel na kapag mature roles na ‘yung gagawin namin, dapat ang mga supporters namin, mauunawaan at makakasabay.

“May mga bata rin kasi kaming mga fans, so, ayaw naman namin silang mabigla sa mga roles or projects namin. Gusto namin, sabay namin silang mag-grow.”

Regarding kissing scene with Daniel, napailing ang dalaga nang tanungin namin tungkol dito.

 “Hindi muna. Kailangan ba? Mahirap simulan ang mga ganyan,” sabi pa ng magandang aktres.