• Home
  • Fresh Scoops
  • Cherry Pie Picache reveals that JaDine were at first friendly but not close.

Cherry Pie Picache admits she didn’t expect JaDine to become a real couple

Cherry Pie Picache reveals that JaDine were at first friendly but not close.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/07/2016 03:16 AM
Cherry Pie Picache admits she didn’t expect JaDine to become a real couple
040616-CherryPiePicache_PUS.jpgShowing na ngayong April 6 ang pelikulang Whistleblower na isang napapanahong pelikula tungkol sa estado ng pulitika sa ating bansa. Magkakasama sa unang pagkakataon ang magagaling na aktres na sina Nora Aunor, Angelica Panganiban at Cherry Pie Picache na excited sa una niyang proyekto na may matapang na mensahe.

"I think this is my first na medyo politically-inclined ang tema na ginawa ko as a person. Siguro hindi naman kaila sa ibang tao na I make my stand on certain issues, I have my advocacies. When it was offered to me sobrang interested agad ako sa role."

Bukod sa pelikula, marami rin ang excited at nag aabang ng susunod na teleserye ni Cherry Pie. Markado kasi siya sa kanyang "Tita Jack" role aa hit kilig serye na On The Wings of Love na pinagbidahan ng JaDine tandem nina James Reid at Nadine Lustre. Ongoing ngayon ang JaDine in Love world tour ng dalawa at proud si Cherry Pie sa lahat ng achievements ng Jadine.

"Bongga the tour that they’re making. I’m excited for them but even before they left masaya na ako para sa dalawa kasi nga di ba parang ang sarap to be able to enjoy work at hindi na sila nagtatago im very happy for them."

Ibinahagi rin ni Cherry Pie na isa sa mga witness kung paano na develop sina James at Nadine sa isa’t isa. Hindi niya daw inaasahan na mauuwi sa totohanan ang relasyon ng dalawa. "Noong una magkalayo yan pero nag-uusap naman. Hanggang sa naging magkaibigan sila, tapos nagulat na lang ako mgkatabi na lagi at masaya nagtatawanan lagi. Doon ko naramdaman na may something na tapos ayan na nga umamin na sila at siyempre masaya ako doon," pagtatapos ni Cherry Pie.