Princess Punzalan: Behind the camera

BY
Kristhoff Cagape

FRESH SCOOPS

04/05/2016 09:56 AM
Princess Punzalan: Behind the camera
040516-PrincessPunzalan_PIN.jpg

A lot of Pinoy viewers still remember her as Selina in the hit serye Mula Sa Puso. Now, she is back in the spotlight again as a kontrabida named Claudette in the new Kapamilya serye The Story of Us.

But who is Princess Punzalan behind the camera? The actress shares details of her life in the United States where she now lives after she left showbiz years ago.

1. She is a hands-on mom
“I’m very hands-on when it comes to becoming a mother. Alam niyo naman sa America wala kang pwedeng asahan kundi ang sarili mo. Kung hindi ka kikilos walang mangyayari. Kung hindi ka kikilos hindi ka kakain. At tsaka ano mabubuhay ka sa dumi kung hindi ka maglilinis so ang buhay ko doon ay challenging kasi matututo kang maging self-reliant eh. Actually mabuti nga marunong akong… I know how to fix thing so pwede akong mag karpentero. Pag may nasira pwede kong kumpunihin. Ako nagluluto, laba, plantsa, alaga ng bata, linis ng bahay, everything. Nagtatrabaho din ako, kumbaga ang dami mong hats na pwedeng i-wear so very challenging talaga.” 

2. She is now a registered nurse in the US
Nag-aral ako, natapos ko ‘yung pag-aaral ko, registered nurse na ako sa States so kumbaga napprove ko sa sarili ko na meron pa akong kayang ibang gawin kaysa pag-aartista… Nakakatuwa rin naman na malaman ko na ay meron din pala akong pwedeng gawin, may talents pa.”

3. She wanted to be a doctor when she first arrived in the US
“I really wanted to be a doctor. There’s something in me na pag may nakita akong sira I want to fix it. Meron sa personality ko na if there’s someone in need gusto kong tulungan. Very nurturing ako as a person and so nong una [sabi ng asawa ko] ‘Napag-isipan mo na kung ano ang gusto mong gawin?’ Sabi ko ‘Parang gusto ko yata maging doctor, gusto kong maging psychiatrist’. But I realized na unang-una hindi na ako bagets baka pag natapos na akong mag-aral puti na lahat ng buhok ko. Parang it might be too long for me na mawalan ako ng gana dahil ano ba puro aral na lang ba ng aral?’ So ganon and parang naisip ko kung hindi ako magdo-doctor the next big thing is to be a nurse total medical field din naman ‘yun so ito ‘yung pinili ko.”

4. She has a daughter 

“Isa lang [ang anak ko] pero enough na ‘yun kakapagod wala na akong energy. Mag two years old and she’s actually here with me [sa Pilipinas] kasi nga sa sobrang pagkahands-on ko hindi ko siya pwedeng iiwan, talagang it breaks my heart kung iiwan ko siya.” 

5. She left showbiz to start a family in the US
“I knew for a fact na there are times and seasons in our lives na hindi naman araw-araw tag-ulan, hind araw-araw tag-init. May mga seasons na pinagdadaanan ang buhay natin, it’s just so happened na bagong kasal ako ng mga panahon na ‘yun and I really want to make my family work, my marriage work so kailangan maging prioridad ‘yun para sa akin and I felt it was a good step na iwan muna lahat ito and mag-concentrate sa buhay mag-asawa na kung saan walang ibang masyadong nakikialam sa buhay niyo kundi kayo lang. Wala akong ibang kausap kundi siya. Wala akong pinagsisilbihan kundi siya and since galing siya sa ibang kultura kailangan kong i-immerse ang sarili ko sa kanyang kultura para mas maintindihan ko siya at mas ma-appreciate ko siya.”

Princess is married to an American.