Para kay Kathryn who just turned 20 recently, isa sa very unforgettable birthday niya ang makasama ang mga batang natulungan niya sa NCF.
“Kasi nandito yung mga bata na natulungan natin. Kasama nila yung mga magulang nila tapos nagte-thank you sila… Ang sarap sa pakiramdam na naging parte ka ng pagkatao nila.”
Last year lang daw siya nagsimulang maging part ng NCF at bilib daw siya sa advocacy ng foundation kaya nagustuhan niya ito agad.
“What’s good about this foundation is that sinusuportahan nila pati yung after the operation, yung sa dental care, sa speech therapy. So, alam mo yon, once na galing sa NCF puwede talaga silang magtrabaho, makakatulong talaga sila.”
When asked kung paano niya sinusportahan ang foundation, ayon kay Kathryn, “Sa support, pag may extra ka, kasi nga, bawat bata may cost din yon kung paano mo sila matutulungan sa operation and yung maintenance.
“Ang ginagawa namin, every time pag may bagong endorsement, may 2 o 1 bata na bibigyan namin. Or sa isang soap may ilang bata na yung pondo non nasa kanila. So, may deal kami ng ganu’n ng mama ko,” paliwanag ni Kathryn.
Ano ba ang takeaway value niya pagkatapos matulungan ang mga batang may cleft lip and cleft palate?
“Siguro yung maging thankful talaga and grateful dahil okay tayo, hindi natin kailangang mag-undergo ng ganyang operation, na dapat maging thankful tayo na sa mga nangyayari sa atin.
“Minsan kasi kung makareklamo tayo, akala natin parang… ay ganito, ganyan-ganyan, pero hindi natin alam yung ibang tao mas malalim yung pinagdadaanan, mas mabigat.
“So, matututunan mo na grabe rin yung blessing mo and dapat i-share mo yon sa kanila para maging motivated sila to be a better person,” ang tila pang-Miss Universe na sagot ni Kathryn.