• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes says they have to focus on other things as well.

Cristine Reyes reveals why she and Ali choose not to have another baby after Amarah

Cristine Reyes says they have to focus on other things as well.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/05/2016 09:59 AM
Cristine Reyes reveals why she and Ali choose not to have another baby after Amarah
040516-CristineReyes_PUSH.jpgMarami ang nakapansin na simula nu’ng mag-asawa at magkaanak si Cristine Reyes ay naging wholesome na raw ang istilo ng pananamit niya. Pero ayon sa bida ng pelikulang Elemento at TV series na Tubig at Langis, dati na siyang ganu’ng manamit.

“I really dress this way, pa-wholesome naman ako manamit dati pa. Alam yan ng mga nakakakilala sa akin,” katwiran ng aktres.

“Sa mga roles ko lang na ginagawa ko ako daring manamit. And the people around me, kahit hindi ako nakaharap sa kamera, alam nila kung paano ako magpostura. Although, yon nga lang po, nakagawa ako ng mga movies na daring...  sexy,” dagdag niyang pahayag.

Ipinagmalaki naman ni Cristine na siya rin ang kadalasang pumipili ng isusuot na damit ng kanyang asawang si Ali Khatibi.

“Actually, si Ali nga ang madalas mag-consult sa akin kung ano ang isusuot niya, ako lahat nagpi-prepare non,” sabi pa niya.

Kitang-kita sa mga mata ni Cristine na masayang-masaya siya bilang nanay ni Amarah at asawa ni Ali. Wala pa ba silang balak na sundan ang panganay na anak?

“Alam mo, Kuya Leo, gusto ko siyang sundan agad kasi ang saya ng buhay kapag may baby ka, ang cute-cute. Alam mo yung kahit hirap na hirap ka, pag happy moods siya ang saya-saya mo rin, pag hindi ka happy, hindi ka rin masaya.

“Nakakabaliw yung feeling kaya gusto ko ulit siyang sundan. Pero sabi namin ni Ali, kailangang muna naming mag-focus kay Amarah and kailangan muna naming i-prioritize yung bahay namin, yung trabaho namin and savings namin.

“Siguro four to five years, susundan na namin siya, ganun ang tamang family planning for me, I don’t know with other people.

“Pero I don’t wanna say anything again, baka mamaya dahil pupunta kami ng Europe after Tubig at Langis… baka mamaya, di ba? Kasi after nu’ng wedding namin, hindi pa kami nag-honeymoon, eh, do’n pa lang sa Europe,” excited niyang kuwento.

Samantala, kahit may trabaho silang mag-asawa, hinding-hindi raw sila nawawalan ng time para kay Amarah.

“Gusto ko lang maramdaman niya na talagang andito kami ni Ali para sa kanya para alagaan siya hanggang siya’y lumaki. Kasi yon talaga ang ginagawa ni Ali ngayon, eh. Sobrang tutok kami sa kanya even though we have lots of things to do, kailangan may time kami for her.”

Sa tanong namin kung ano ba yung ayaw niya sa mommy niya noon na hindi niya gagawin sa anak, sagot ng aktres, “I guess marami naman tayong ganun sa mga nanay natin di ba? Pero siguro right now, ang masasabi ko lang, I’ll be with her all the way until she gets married.”

Showing na ang Elemento sa April 6 at patuloy namang napapaood ang Tubig at Langis sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.