“Kasi pag Middle East po, wala ka makausap. Ikaw lang talaga. Kaya po gumagawa po ako ng video para po yung malungkot sa buhay, kapwa ko OFW, nag-iisa lang din sa bahay at saka mga nagfe-facebook mapanuod po yung video ko,” paliwanag niya.
Ang totoong pangalan ni Jean ay Genalyn Ladra, tubong Cebu at isa siya ngayong OFW sa Riyadh. Nakilala siya sa mga nakakatawa niyang videos, lalo na nang banggitin niya ang salitang “trans-ginger” na ang ibig pala niya sabihin ay transgender.
Kahit na laging nagpapatawa nagkaroon rin ng mga mapapait na nakaraan si Jean at naiyak siya nang maalala niya ang mga ito.
“Mahirap po talaga kapag broken family kasi hindi ka matutukan ng ina. Nag-aasawa yung mama mo ng iba tapos yung lalaki naman bugbog sarado ka.Yung pinaka-worst ko po yung tinulak niya ako tapos nakainom ako, pero hanggang lumayo ako. Mahirap po kasi maging masaya e nasasaktan po ako ng sobra,” naiiyak niyang pahayag.
Dagdag pa niya, “Nung 14 years old po (ako) may nakilala po akong lalaki niloloko po ako. Hindi po habang buhay malakas ako pinangarap ko po talagang may bahay. Yung mga sakit (na) nakaraan, yung mga sakit kailangan po labanan talaga.”
Watch Jean’s funny videos below: