Princess Punzalan admits she misses acting and producing

Princess Punzalan is taking on a movie role again.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/30/2016 09:12 AM
Princess Punzalan admits she misses acting and producing
043016-princess_main.jpgBalik showbiz ang mahusay na aktres at producer na si Princess Punzalan. Una na siyang napanood sa on going teleserye na The Story of Us at ngayon naman ay mapapanood na rin sa indie film na Diyos Diyosan na ipapalabas na sa mga sinehan sa May 4. Aminado si Princess na na-miss niya ang trabahong showbiz at marami na daw siyang changes na napansin.

"Nagbago ang mga equipment mas malamig na ang ilaw (laughs) mayroon ng aircon tents noon nineteen tralala di pa ito uso. Ang pinaka na miss ko talaga ang mag perform sa harap ng camera at alam ko na prepared ako para ibigay ang hinihingi ng eksena. Basically yun talaga eh performer ako, artist ako at I’m at my happiest kapag ginagawa ko ito."

Isa sa mga tumatak na papel ni Princess ay ang role bilang Selina sa original na Mula Sa Puso.

"Nagkataon lang siguro na mas tumatak ang pangalan ko bilang kontrabida but actually before 1996 before Mula Sa Puso, typecasted ako bilang martyr, kawawa yung umiiyak. Typecasted ako doon kasi hindi mo siguro aakalain na dalawang mukha ang isang artista sa mga panahon na iyun."

Bilang isang character actress, nag-share si Princess ng kanyang preparations lalo na kapag mayroon confrontation scenes na magaganap.

"Kapag sampalan scenes, ang first option ko is dayain pero kapag hindi nagwo work tatanungin ko ang ka eksena ko na ‘ano okay ba sa iyo totohanin natin’ pero minsan yung artista pa mismo nagsasabi ‘totohanin mo na po’ or minsan bubulungan ka ng director na parang blank pa ang expression ng artista totohanin mo na ayun may respeto tayo sa co actors na hindi binabanatan na walang warning."

Sa tagal na nawala ni Princess sa showbiz, hindi pa rin nagbabago ang kanyang itsura at nag share naman siya ng kanyang sikreto.

"I guess clean living hindi ako masyadong ma kape, alcohol, I drink lots of water and try to sleep at least seven hours a night, although mahirap kapag may taping ka. Pero as much as I can, I try to eat healthy."

Bukod sa pag-arte, type din niyang balikan ang pagpo produce dahil ito daw ang passion niya noon pa man.