• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia says he was expecting that he and Loisa Adalio were going to be paired up with other people.

EXCLUSIVE: Joshua Garcia on Loisa Andalio-Yves Flores tandem: 'Hindi na rin po ako nabigla'

Joshua Garcia says he was expecting that he and Loisa Adalio were going to be paired up with other people.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/30/2016 09:17 AM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia on Loisa Andalio-Yves Flores tandem: 'Hindi na rin po ako nabigla'
043016-joshua_main.jpgPinalitan na ni Joshua Garcia bilang BNY ambassador si Manolo Pedrosa na ka-batch din niya noon sa Pinoy Big Brother teen edition. Pero ayaw aminin ni Joshua ang tungkol dito until nagsalita ang may-ari ng BNY na ang young aktor ang pumalit kay Manolo.

“Ang alam ko po dagdag lang ako sa BNY, pero hindi pala,” nakangiti niyang paliwanag.

Hindi naman nagbigay ng reaksyon ang binata sa pag-replace niya kay Manolo sa as ambassador ng naturang clothing company.

“Blessing po ito kaya nagpapasalamat ako kay Lord,” matipid niyang pahayag.

“Single” ngayon si Joshua dahil wala muna siyang ka-love team. Kanya-kanya na muna sila ni Loisa Andalio na ipinareha naman kay Yves Flores sa Be My Lady.

Ano ang reaksyon niya tungkol dito?

“Sa akin, okey lang naman po kasi trabaho yon. Sila po yung love team don (ni Yves),” sagot niya.

Eh, anong feeling na wala na siyang ka-love team?

“Okey lang naman. Relax-relax. Kasi ngayon, pa-guesting-guesting lang muna ako. Tulad sa Ipaglaban Mo, may love team naman ako, si Mika dela Cruz, pero parang ano lang, slight lang.”

Di ba niya nami-miss si Loisa?

“Siyempre nami-miss. Nami-miss din kasi siyempre nakatrabaho ko siya, eh. Kasi ngayon, bihira na lang kaming magkita, kasi siyempre busy siya, busy din ako, magkaiba kami ng trabaho,” reaksyon niya.

Gusto pa ba niyang magkaroon ng ka-love team?

“Opo naman. Malay mo in the future may gawin ulit kaming project ni Loisa. Pero depende po yon sa management, eh. Sila naman yung nagpaplano. Wala naman akong idea kung ano ang gusto nila.”

Nagpaalam ba sa kanya si Loisa na sa ibang guy muna siya ila-love team?

“Hindi naman po at parang hindi rin naman kailangang magpaalam. Parang nagbalita lang siya na, ‘Uy Joshua, sasama ako sa Be My Lady.’ Kasi sinabi niya sa akin yon nung maggo-go-see pa lang.

“Tapos kinuwento niya kung ano yung nangyari. Nag-share lang siya, ganu’n lang,” pagtatapat niya.

Aware naman si Joshua na darating din talaga ang panahon na mabubuwag ang tambalan nila ni Loisa.

“Mangyayari’t mangyayari naman po talaga yon. Hindi na rin po ako nabigla,” sabi pa niya.

Napangiti naman si Joshua sa tanong namin kung nag-level-up na ba ang friendship nila ni Loisa.

Sabi niya, “Ganun pa rin naman po. Friends pa lang din po. Masyado pa po siyang bata, eh. She’s only 17 saka respeto na rin po sa magulang niya.

“Kasi sinabihan po ako ng papa niya na ano muna, parang barkada-barkada lang muna po. Sabi ko, ‘Okey lag po, yon din naman ang intension ko sa anak niyo.’ Parehas lang naman po kami ng iniisip. Siguro pag 18, puwede na siyang ligawan pero hindi pa siya puwedeng mag-boyfriend,” pahayag pa ni Joshua.