• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla went to North Cotabato to check on the farmers in Kidapawan.

Mariel Rodriguez says she is proud of husband Robin Padilla

Robin Padilla went to North Cotabato to check on the farmers in Kidapawan.

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

04/04/2016 12:59 AM
Mariel Rodriguez says she is proud of husband Robin Padilla
040416-mariel_main.jpgMaraming humanga sa Game ng Bayan host na si Robin Padilla matapos niyang pumunta ng personal at magdonate ng 200 sacks of rice sa mga magsasakang naapektuhan ng sigalot sa Kidapawan, North Cotabato. 

Noong Biyernes, Abril 1, nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga pulis at mga magsasaka at militanteng apektado ng tag-tuyot dulot ng El Nino at humihingi ng rice subsidy sa pamahalaan. Dalawa na ang namatay at marami ang nasaktan. 

Hindi naman napigilan ng asawa ni Robin na si Mariel Padilla na purihin ang ginawa niya. Sa kanyang Instagram post, sinabi ng It’s Showtime host na proud siya sa pagtulong ni Robin sa mga magsasaka. 

“That's why we all love you!!! This morning my husband left for Davao to mourn with the families of the farmers in Kidapawan,” sinabi ni Mariel sa kanyang post ng litrato ni Robin kasama ang ilang mga magsasaka.