Jessica Rodriguez comes back as a book author

Jessica Rodriguez returns as a self-help book author.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/03/2016 10:00 AM
Jessica Rodriguez comes back as a book author

040316-jessica.jpgNagbabalik eksena si Jessica Rodriguez Bunevacz bilang isang author ng self-help book na Date Like a Girl, Marry Like A Woman: The Polished Woman’s Guide to Love, Romance and Sex.

Matatandaan si Jessica sa showbiz noong dekada nobenta bilang sexy actress, talent manager at napangasawa ng athlete at TV personality na si David Bunevacz. Nagmigrate ang buo nilang pamilya sa Amerika para sa mas tahimik na buhay at malayo sa issues ng showbiz. Pero ngayon 15 years after nagbabalik si Jessica at may bagong project na makakatulong sa kababaihan.

“I will be the first person to tell you that I never thought it was in me to write, much less author an entire book! Since we resided in California, I have been in search of my real purpose. My relationships are always the best part of my life and I found I had it in me to inspire people, and actually give them sound advice about love and life. So, I learned to write. And then I found my purpose. I hope people will enjoy reading this book as much as I had enjoyed writing it and sharing my life in the process.”


Tatlo na ang mga anak nina Jessica at David at masaya ang kanilang pagsasama. Available na ang kanyang isinulat na librong Date Like a Girl, Marry Like A Woman: The Polished Woman’s Guide to Love, Romance and Sex sa Amazon.Com

Pinaplano rin ni Jessica ang malakihang launch nito sa bansa at sasamantalahin niya na rin ang pagbabalik para makita ang mga dating kaibigan sa showbiz industry.

Main photo credit to 
Jessica Bunevacz Twitter Account