• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes admits she now has to consider her family before deciding on sexy roles.

Cristine Reyes says being a mom has made her a better actress

Cristine Reyes admits she now has to consider her family before deciding on sexy roles.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/03/2016 10:04 AM
Cristine Reyes says being a mom has made her a better actress
040316-cristme.jpgCristine, mas effective actress after giving birth: Napo-portray ko nang mas may sincerity yung mga roles
 
Para kay Cristine Reyes, napakalaki ng naitulong ng pagiging nanay niya sa mga roles na ginagawa niya ngayon sa pelikula at telebisyon.

Bida si Cristine sa latest horror movie ng Viva na ang title ay Elemento na palabas na sa April 6. Sa pelikula, ginagampanan niya ang role ng isang ina na may anak na sinapian ng tambal o isang uri ng elemento na gumagaya sa anyo ng bata. Sa Tubig at Langis, mother din siya.

“Yes, malaki yung bahagi ng pagiging mother ko sa lahat ng projects na ginagawa ko ngayon,” pahayag niya sa Push.com.ph.

Dagdag pa niya, “Ngayon kasi, unang-una, napo-portray ko nang mas may sincerity yung mga roles na ginagawa ko dahil mother na ako.”

Confident naman si Cristine na magugustuhan ng mga tao ang Elemento dahil kahit siya raw mismo ay natakot habang ginagawa ang pelikula.

Kapag umuuwi ako ng bahay natatakot na ako lalo na nu’ng ikinuwento ni Direk Mark (Meily) yung tungkol sa anak niya na naka-encounter ng mga elemento. Tapos, what if mangyari din yon kay Amara… hindi ko alam ang gagawin ko, parang nakakatakot, di ba?”

Regarding box-office results, positibo naman ang pananaw ni Cristine tungkol dito.

Para sa akin, siyempre nando’n tayo sa dapat tangkilikin ito ng tao. Ginawa namin ito para ma-entertain yung mga tao lalo na sa tumatangkilik ng mga horror films, lalo na yung youth.

“Usually naman, yung mga kabataan ang gusting magtakutan, eh. Even ako, kahit nanay na ako gusto ko pa ring manood ng horror films. I think, sa ganda naman ng pagkakagawa ni Direk Mark Meily, kita nyo naman sa trailer, di ba?

“Maganda naman yung gawa naming and hopefully, positive kami na magiging maganda rin yung outcome nito,” pahayag pa niya.

Now that she’s already a mother, naisip na ba niyang talikuran ang pagpapaseksi?

Hindi ko alam kung tamang word yung tatalikuran kasi hindi naman ako nagpabaya ng katawan ko… so I don’t want to say anything na tatalikuran ko yon.

Tapos siyempre, kinu-consider ko si Ali dahil kung noon wala akong iniisip, ang sarili ko lang ang iniisip ko dati.

Pero ngayon siyempre, kailangan kong ikonsider yung husband ko and siyempre daughter ko and our family. Kasi whatever I do would reflect also with them,” katwiran pa niya.

Sa tanong namin kung sa tingin ba niya ay naapeketuhan ang afternoon series niyang Tubig at Langis sa isyu sa kanila noon ni Vivian Velez, maigsi lang ang naging pahayag ni Cristine.

“I don’t know, basta ang masasabi ko ngayon, parang halos everyday pataas nang pataas (ang rating), from 12, 14  tapos ngayon nag-16 kami, I guess okey po.”