Myrtle Sarrosa says her album is based on her life and love stories

Myrtle Sarrosa admits she’s single for now.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/28/2016 09:40 AM
Myrtle Sarrosa says her album is based on her life and love stories
042816-MyrtleSarrosa_PUSH.jpgSa pictorial ni Myrtle Sarrosa bilang bagong endorser ng Sisters Sanitary Pads, naki-kuwento niya na maraming bagong aabangan sa kanyang career sa showbiz.

Recording artist na rin si Myrtle at malapit ng maging available ang kanyang first album na very personal ang mga kanta dahil tunay daw na pinagdaanan niya ang mga ito. "Yung mai-expect niyo sa album na ito its not the usual music na naririnig dito sa atin. Most of the sound and songs are written by me based on my life stories and love story na rin."

Mayroon din daw cuts na mapapa-rap siya dahil ito daw ang advise na nakuha niya sa pagsali ng season two ng Your Face Sounds Familiar. "Noong kasing nag Your Face ako, napansin nila na may talent daw ako sa pagra-rap. Sabi ni Sir Gary V na i-pursue ko daw yun so maririnig nila yan sa isa sa mga cuts ng album.”

Thankful si Myrtle na nabigyan siya ng opportunity na makagawa ng album at sa June lalabas na ito. Kahit busy sa kanyang career bilang artista at ngayon ay recording artist na rin, hindi pinababayaan ni Myrtle ang kanyang pag-aaral. Kurso niya ang BA Broadcast Communication sa UP Diliman at ga-graduate ngayong December, running for Cum Laude na malaking karangalan sa kanyang pamilya. "Gusto ko maging inspiration sa mga tao na no matter what you do in life dapat tatapusin mo pa rin ang pag-aaral mo kasi yun ang magho hone sa iyo to be a better person eventually."

Sa personal na buhay, single pa rin si Myrtle. "Yung puso ko ngayon nag-iisa (laughs) kaya ang mga kanta na sinusulat ko ngayon makaka-relate ang mga in love at makaka relate din ang mga single kasi exciting ang songs na dapat nila abangan," sabi pa ni Myrtle.