Arci Muñoz admits she was star struck meeting Jericho Rosales for the first time

Arci Munoz talks about her upcoming projects.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/28/2016 10:56 AM
Arci Muñoz admits she was star struck meeting Jericho Rosales for the first time
042816-ArciJericho_PUSH.jpgNag pictorial na kahapon si Arci Muñoz para sa bagong teleseryeng Never Ever Say Goodbye na unang beses nilang pagtatambalan ni Jericho Rosales. Matapos ang Pasion de Amor at ang hit movie na Always Be My Maybe, wala ng mahihiling pa si Arci sa masigla niyang career.

"Ang tagal ko rin po kasi hinintay ang time na ito. Siguro sabi ni Lord ikaw naman time for yourself."

Lumabas na rin ang 27th anniversary issue ng Metro Magazine na siya ang cover girl at may tema na women empowerment. Hindi akalain ni Arci na siya ang maiisip ng sikat na lifestyle at fashion magazine na kunin bilang cover girl na angkop sa kanilang tema.

"I’m really thankful to Metro. Its a privilege for me to do that ang tema nila woman empowerment. Di ba para sabihan nila ako ng ganun at bigyan ng ganun label, I’m really, really thankful."

Bukod kay Gerald Anderson at Jericho Rosales, balitang naka line up na rin ang project kung saan makakasama ni Arci sina Piolo Pascual at Sam Milby.

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng binibigay nila sa akin project and whoever na ipartner sa akin ibibigay ko ang best ko and I’ll make sure yung leading man ko magiging kumportable," sabi pa ni Arci.